Kim ayaw tigilan sa dyesebel

MANILA, Philippines - Batikos sa halip na papuri ang sumalubong sa balita na si Kim Chiu ang lalabas na Dyesebel. Ang Mars Ravelo classic creation ang isa sa bagong pasabog ng ABS-CBN this year.

Payat, tinik, dilis, at kung anu-ano pang komento ang nasulat sa pagpili kay Kim. Eh matapos nga tayong hainan ng katakam-takam na mga artistang lumabas sa screen bilang Dyesebel, heto at ang patpapatin na Kim ang lalabas na sirena.

Kung final na nga na si Kim ang lalabas na Dyesebel, choice ‘yon ng mga boss ng ABS-CBN kaya we are left with no choice na “malnourished” na sirena ang lumanguy-langoy sa ating TV screen!

Habang nagluluksa si AiAi, ex-dyowa nagpakasal na sa live-in partner sa US

Habang nagluluksa si AiAi delas Alas dahil sa pagkamatay ng ina, nagbubunyi naman ang dating partner niyang si Miguel Vera dahil inilabas niya sa kanyang Facebook account na pinakasalan na niya ang partner na si Priscilla Salud.

Lifetime event ang deskripsiyon ni Miguel sa ginawang pagpapakasal. Ayaw ngang maniwala ng anak niyang si Sophia sa komento nito pero binawi niya agad at binati rin ang ama at stepmother.

Eh dahil friends naman sina AiAi at Miguel, happy na rin for sure ang komedyana sa pagpapakasal ng ama ng dalawang anak. Kapag binibisita naman ni AiAi ang dalawang anak, sa hotel siya tumitira.

Young actress hinahabul-habol hanggang abroad ang ex-BF kapag kinakati

Hinabul-habol ng isang young actress ang dating boyfriend nung tumira ito sa isang Asian country. Kahit walang pormal na relasyon, nagtitikiman pa rin kasi ang dalawa.

So nung magkaroon ng ilang araw na pahinga ang young actress, sumaglit siya sa on and off boyfriend upang magtikiman uli. Dati kasi, malayo ang lugar na kinaroroonan ng lalaki kaya mahabang biyahe ang kakailanganin ng young actress.

Eh palay na ang lumalapit sa manok kaya naman sinagpang na rin ng lalaki ang young actress na nagpalipas ng kati niya!

Show comments