Nakikipagbati na sana Heart itinaboy ng ina!

Sa matatapos na taong 2013, para sa amin, Salve A., ang pi­naka­malungkot na nangyari ay ang mga awayang-pamilya which somehow contradicts the popular belief among us Filipinos na, sa hirap at ginhawa, magkakasama tayo bilang isang pamilya.

Foremost, of course, one of the showbiz family feuds which, to date, remains unsolved is the awayan among the Barretto family. How sad na kahit on Christmas Day, patuloy pa rin ang bangayan between Claudine and eldest sister Gretchen. And, of course, Gretchen vs. her parents, Inday and Mike.

Let’s not forget na pa-grabe nang pa-grabe rin ang ‘‘away mag-asawa’’ nina Claudine at Raymart Santiago.

Wonder if they didn’t miss each other noong Christmas and this New Year?

How about Heart Evangelista’s problem with her mom? Na ang cause, of course, ay ang patuloy na paniniwala ng mother na si Cecile Ongpauco that the man Heart picked for herself na pakasalan (referring to Sen. Chiz Escudero) is the wrong man for her?

Did we hear it right that Cecile purposely ‘‘ipinahiya’’ ang anak sa isang event?

The kuwento goes that when Heart was about to approach Cecile, obviously to greet her, ‘‘itinaboy’’ (with a signal diumano) nila ang anak.

Akala ko ba, Salve A., may kasabihang puwedeng tiisin ng isang anak ang kanyang magulang, but never (repeat, never) ang vice versa nito?

Well, times have changed.

Bimby dapat tularan ng mga nag-e-emote sa best actress award ni Maricel

Marami raw nagkukuwes­tiyon sa pagkapanalo ni Ma­ricel Soriano bilang best actress, for her performance in Boy, Girl, Bakla, Tomboy?

Hoy, kayong mga sour­grape, bakit ’di n’yo tularan ang six years old na si Bimby Aquino Yap?

Narinig n’yo ba ang anak nina Kris at James Yap na kinukuwes­tiyon ang desisyon ng mga judge na si Ryzza Mae Dizon ang pinapanalo bilang best child performer sa My Little Bossings when his perfor­mance in the movie was maituturing na ‘‘agaw-pansin’’ din?

Megan proud na dating boarder ni Kuya

Now to a more pleasant report. Na maituturing na pang-New Year talaga.

Take a bow Kuya of the Pinoy Big Brother (PBB) reality show for Megan Young, first Pinay winner of the elusive Miss World pageant, in acknowledging na former ‘‘boarder’’ of yours.

Wow, Kuya, congrats! Ang layo na ng narating ng karamihan sa mga dating magkaka-housemate sa iyong boarding house. Keep up the good work.

Tanong lang, Kuya, kelan mo ‘‘ibubuko’” ang sarili mo sa aming masusugid mong viewers?

Camille ibinuko na ang kasal ni John kay Isabel

O, ayan, ibinuko na ni Camille Prats na kung may ikakasal daw sa kanyang pamilya this year, tiyak niyang ’di siya kahit pa inaamin niyang may something more than meets the eye na between her and former classmate in Grade 11 (now US resident) na si John Yambao (hindi Quiambao ha?). Baka raw ang Kuya John Prats niya. Na, kung sabagay, nagpahayag na ng kanyang intensiyon to really marry girlfriend, Isabel Oli, this New Year.

By then daw kasi, ani John, he will be 30.

Camille, a widow of the late Anthony Linsangan and father of their now four-year-old son Nathan, had a hand sa namagitang pag-iibigan between John and Isabel.

The actor, as we all know, is a Kapamilya talent. Herself a former ABS-CBN contract star, Camille is now with GMA 7 where Isabel is herself under contract to.

Si Camille ang nagpakilala sa kanyang Kuya John kay Isabel.

Show comments