MANILA, Philippines - Kahit Pasko hindi pa rin daw mapilit ni Heart Evangelista ang sarili na makipagbati sa nanay niya.
“Gusto ko talagang magkausap na kami but she is the one na ayaw pa. Ayoko namang gumawa ng move na naman. Ginawa ko na pero siya ang ayaw. Siguro kahit tapos na ang Pasko, magkakausap kami. Pray ko talaga,†sabi ni Heart.
Lian idinenay ni Marco
Nali-link daw ngayon si Marco Alcaraz kay Lian Paz, estrange wife ni Paolo Contis. Bagay na pinabubulaanan naman ng aktor.
“With our baby, lalo kaming naging close ni Lara (Precious Lara Quigaman),†sumpa naman ni Marco. “Si Lian kasama ko lang sa isang teleserye. Friends lang kami at friend ko rin si Paolo kaya ayoÂkong maging isyu ito sa amin.â€
Inamin naman ni Marco na kung minsan, nag-aaway din sila ni Lara. “Pero hindi namin itinutulog ito. Pina-patch up namin ang lahat bago kami mahiga sa kama,†info pa niya.
Teka, hindi na si Precious ang pinakahuling Miss International buhat sa Pilipinas. Kamakailan, itinanghal naman ang representative ng Pilipinas bilang bagong Miss International 2013, si Bea Rose Santiago.
KC ayaw magka-isyu kay Angel
Sa ngayon, may tatlong nababalitang manliligaw si KC Concepcion, sina Phil Younghusband, Paulo Avelino, at Luis Manzano.
“Pero sa ngayon ayoko pang pa-pressure. Ayoko pang masyadong serious relationship. I will be happy to be in a relationship though. Pero ayoko ng serious kasi ayoko pang masaktan muli. Mas careful ako ngayon. Ayokong mag-dive agad,†sabi ng aktres.
Nagkakilala raw silang mabuti ni Luis nang mag-guest siya sa Minute to Win It. Pagkatapos noon, panay daw ang text na nila sa isa’t isa.
“Pero si Paulo, lagi naman kaming nagkakausap,†sabi ni KC.
Tila ayaw pag-usapan ni KC si Phil. Alam kasi niyang sensitive tungkol dito ang ex-girlfriend ng atleta na si Angel Locsin. Isa pa, ayaw din ni KC na lumitaw siyang nang-aagaw.
“Ayokong maging isyu sa amin ni Angel ang tungkol sa iisang lalaki,â€