Kinumpiska rin ang cell phone at laptop, young actress bugbog-sarado sa ama nang magbakasyon kasama ang mga barkada at manliligaw

Hindi makalimutan ng ilang staff ng isang TV show ang isang young actress na dumating sa studio na puro pasa ang katawan. Nataranta ang makeup artist dahil first time niyang makitang may mga pasa sa braso at sa likuran ang memeyk-apan.

Nang tanungin ng mga tao sa set ang dahilan ng mga pasa ng young actress, bigla na lang itong umiyak at pumasok muna sa kanyang dressing room.

After 30 minutes ay lumabas ang young actress at saka niya ikinuwento ang Misteryo ng kanyang mga black and blue bruises sa katawan.

Napag-alaman ng aming source na kasalanan pala ng young actress kung bakit nagkaroon ng mga pasa. May sinuway siya sa rules ng kanyang magulang. Kapag may sinuway kasi na batas ng mga magulang ay nakakatikim sila ng gulpi mula sa kanilang ama na sobra ang istrikto.

Hindi pala nagpaalam ang young actress na pupunta sa isang resort sa probinsiya kasama ang kanyang mga barkada. Bukod sa hindi nagpaalam ay may kasama pa pala silang ilang lalaki. ‘Yung isang lalaki na kasama nila ay ang nababalitang manliligaw ng young actress na ‘di pa nakikilala ng mga magulang niya.

Tatlong araw sa naturang resort ang young actress kasama ang mga barkada niya at ang boys kaya hindi maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano ang kanyang istriktong ama.

Inakala ng young actress na dahil nasa tamang edad na siya para gumawa ng desisyon ay mapuputol na ang pagbantay sa kanya ng ama. Hindi pala. Kaya pag-uwi niya ay nasaktan siya.

Hindi na lang sinabi ng aming source kung ano ang ginamit ng ama ng young actress na pampalo dahil ikaloloka raw ito ng mga makakabasa.

Anyway, after nga mapasaan ang young actress ay hindi pa natapos doon ang ama. Kinuha nito ang cell phone at laptop ng kanyang anak. Kaya isang linggo siyang walang communication kahit kanino.

Sa kanyang taping ay hatid-sundo siya dahil hindi niya puwedeng gamitin ang kanyang sasakyan for the whole month.

Marami ang nagulat sa sobrang istrikto ng ama ng young actress. Hindi na sila magtataka kung one day ay biglang magtanan o lumayas ang anak dahil may edad na nga siya pero ang trato sa kanya ay parang paslit na batang wala kaalam-alam sa paligid niya.

 

Dingdong nakikipagtulungan sa Canadian foundation para mabuo ang mga binagyong lugar

Katulad ni Justin Bieber ay sobrang naapektuhan sa naging destruction ng Typhoon Yolanda sa Pilipinas ang Hollywood-based hip-hip/R&B songwriter and music producer na si Andrew Lane.

Isa si Lane sa mga nakatrabaho na rin ni Bieber noong nagsisimula pa lang ito, pati na rin ng Backstreet Boys at ni Irene Cara at ginawa niya ang ilang songs sa High School Musical at Hannah Montana.

Dahil sa concern, sinulat ni Lane ang awitin na Strong at pina-record niya sa ilang Canadian music artists bilang handog niya sa Pilipinas.

“It’s about being strong and resilient,” say ni Lane sa mensahe ng kanyang awitin.

“Rather than focus on the tra­gedy and sorrow, it focuses on the positive energy to rebuild.”

Say ng lyricist na si Daniel Curtis Lee: “The determination of the people who endured this tra­gedy is so inspiring. My goal through the lyrics that I wrote is to inspire others to have that same spirit of determination and will to survive and persevere through any hardship.”

Ang mga nag-participate sa recording ng Strong ay ang mga Canadian recording stars na sina Angel Berry, Daniel Curtis Lee, and Filipino-Canadian talents tulad nina Matthew Parry-Jones at Maria Fernandez at marami pang ibang singers.

Ni-launch ang music video ng Strong via Lifeline Foundation Support Team, Inc. (www.ineedalifeline.org), a group of professionals dedicated to “the relief of the oppressed and the empowering of the victim-minded.”

 Sa naturang music video, ipinakita nga ang ilang larawan na kuha ng Lifeline Foundation team ng lugar na nasira ng Typhoon Yolanda.

Ang profits mula sa iTunes sales ng Strong ay mapupunta sa initiatives ng Lifeline Foundation para sa pangkabuhayan ng survivors ng mga binagyo.

Nakikipagtulungan rin ang aktor na si Dingdong Dantes sa Lifeline Foundation dahil tutulong din ang mga ito sa pag-rebuild ng isang school building project sa Estancia, Iloilo.

 

Tatlong pelikula na may temang Pinoy laglag na sa Oscars

Ang mga pelikula mula sa Cambodia, Palestine, Hong Kong, at Bosnia at Herzegovina ang nakapasok sa short list of candidates na maglalaban-laban para sa best foreign language film ng Academy Awards in 2014.

Mula sa 76 foreign films ay bumaba na ito sa nine films. Ang final five nominees ay ia-announce sa Jan. 16.

 Ibig sabihin ay hindi nakapasok ang Philippine entry na Transit at maging ang mga Pinoy-themed films na Ilo-Ilo from Singapore at Metro Manila from United Kingdom.

Ang nakapasok sa Oscars ay ang The Missing Picture ng Cambodia; Omar from Palestine; An Episode in the Life of an Iron Picker from Bosnia and Herzegovina; The Great Beauty from Italy; The Hunt from Denmark; The Broken Circle Breakdown from Belgium; Two Lives from Germany; The Grandmaster from Hong Kong; at The Notebook from Hungary.

Sa March 2, 2014 na magaganap ang Academy Awards o Oscars sa Hollywood.

Show comments