Isang pelikulang kasali sa MMFF nega agad ang reviews

Nega ang reviews sa isang pelikula na kasali sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil hindi raw akma sa panahon ang dialogue ng mga karakter.

Malabo raw na mag-win ng best screenplay award ang MMFF movie dahil hindi maayos ang screenplay. Kalabisan na kung magbibigay pa ako ng clue dahil madaling hulaan ang pelikula na tinutukoy ko.

Vic kinokontra ang maling nominasyon ni Ryzza Mae

Anak ni Aiza Seguerra ang role ni Ryzza Mae Dizon sa My Little Bossings at ang relasyon nila ang isa sa mga conflict ng kuwento ng pelikula.

Bale apo ni Vic Sotto si Ryzza Mae sa My Little Bossings dahil anak niya si Aiza. Parehong Miss Little Philippines winner sina Aiza at Ryzza Mae.

Hindi na maabot si Ryzza Mae at ang nanay nito na si Riza dahil may sarili na silang TV commercial.

Nagulat daw si Bossing Vic nang malaman nito na balak ilagay ang name ni Ryzza Mae sa best actress category. Hindi pumayag si Bossing dahil tama ang kanyang sinabi na mas karapat-dapat ma-nominate ang anak-anakan niya sa best child performer category ng MMFF 2013.

Ruffa bayolente ang reaksiyon sa NAIA ambush

Ang former basketball player na si Vince Hizon ang unang nag-tweet tungkol sa ambush na nangyari kahapon sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3.

Nagkataon na nasa Terminal 3 si Vince nang maganap ang barilan na kumitil sa apat na buhay, kasama ang isang 18-month-old baby.

Kabilang si Ruffa Gutierrez sa bayolente ang reaksiyon sa pagkakadamay ng inosenteng bata sa ambush na nangyari sa isang lugar na dapat eh protektado ng mga pulis.

Nakakatakot ang mga krimen na sunud-sunod na nangyayari sa ating paligid. Binaril noong Huwebes ang asawa ni Atty. Raymond Fortun sa mismong harap ng kanilang bahay, hindi pa nahuhuli ang mga miyembro ng Martil-yo Gang na umatake sa SM North EDSA, at heto na ang pamamaril kahapon sa mayor ng Zamboanga del Sur at sa kanyang asawa.

Marian tuloy na sa pamimigay ng bangka

Heto na ang kumpletong detalye ng Kapuso Adopt-a-Bangka campaign ng GMA 7 at ni Marian Rivera. Sa mga nagnanais na tumulong, please read:

“Kapuso Adopt-a-Bangka campaign, GMA Regional TV, in partnership with the Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars, and Restaurants, Inc., helps rebuild and rehabilitate bangkas, a major tool of livelihood for local fisherfolk at the Island of Bantayan in Northern Cebu. As GMA supports holistic and transformative rehabilitation of these affected communities, we support the Banta-yan Back-to-Sea Project, through the Kapuso Adopt-a-Bangka campaign.

“The info drive campaign helps provide long-term livelihood opportunities for the fishermen and local communities who were greatly affected by super typhoon Yolanda. Rebuilding a typical bangka will cost between Php15,000.00-Php25,000.00 and can last for 15-20 years. I am personally inviting donors to join us in this cause.

“Through the help of sponsors, the bangkas will be rebuilt and rehabilitated. These fishermen need their bangkas as well as fishing implements (hooks, nets, etc) so that they can help themselves, and in turn, help their communities.

“Bantayan Back-to-Sea Project accepts donation through: CASH: Fairbank Account Number: 001-02532-1 Account Name: Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars and Restaurants, Inc. Fairbank Account through PNB with Account Number: 1431-00721-9 with Swiftcode: ABCMPHMM Account Name: Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars and Restaurants, Inc. Please indicate via PNB Head Office, Manila CHECK: Payee: Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars and Restaurants, Inc. For your inquiries, you may reach us through: GMA TV Central and Eastern Visayas: 0917-8168340 GMA RTV – Integrated Marketing Servi-ces Division: 0915-4416692 Let’s be one-at-heart with our Kapusong Cebuanos. Maraming salamat mga Kapuso!”

 

Show comments