Nakita namin ang isang malaking kahon, tulad ng sa balikbayan, ng mga pekeng signature bag na pinakyaw ng isang manager ng singer/actor sa Bangkok, Thailand!
Ito ang Christmas giveaway ng kanyang alaga this season. Kapag close sa artistang nagbigay, may kasamang tseke. Kung hindi, ang fake na bag lang. Okay lang naman basta’t naalala. Saka imported din ang regalo, kahit peke!
Tulong Na… campaign malamang makalikom ng P1 bilyon
Sa lahat ng mga fund-raising campaign para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, ang napili naming bigyan ng imaÂginary award na most outstanding at pinakamaraming natulungan ay ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na ng ABS CBN network.
Through telethon, fund-raising concert sa Smart Araneta Coliseum featuring the leading artists, at mga fund drive sa halos lahat ng kanilang TV show at radio show, maaaring umabot ang kanilang koleksiyon — in cash and in kind — sa isang bilyong piso!
Bukod sa malaking halaga ng mga donasyon, nakikita pa natin na agad nakakarating ang mga tulong sa mga biktima.
Sa mga individual artist, si Noel Cabangon ang siyang pinakamasipag sa pagsali sa malalaking benefit show at pag-organize ng mga fund-raising show kahit sa mga maliliit na venue. Sa hangad na patuloy na makatulong, agad namang dumaramay sa kanya ang mga kapwa artista.
Pati na ang mga bandang akala natin ay carefree at walang pakialam, naging seryoso sa pangangalap ng pondo upang makatulong. Ang Bamboo ay may sariling benefit concert for Yolanda victims. Pati ang 6Cyclemind, at mga foreign group, may kanya-kanyang naimbag.
Ang magandang resulta ng kalamidad, nagkaisa sa pagtulong ang mga artista at lumabas ang mga pusong matulungin sa kapwa.
Paalala sa mga magre-recycle ng regalo
Nagdatingan na ang mga Christmas gift sa bahay at sa Philippine Movie Press Club office. This time of the year, tinatantiya na rin ng mga nakatanggap ng mga regalo kung alin-alin ang maaaÂring i-recycle.
Isang important tip lang sa mga magreregalo uli sa iba namang mga taong ibinigay sa kanila — dapat intact ang gift card at kung maaari ay nakadikit muna sa kahon ng gift. Para maiwasan ninyo na maibigay muli ito sa mismong nagpadala! Dapat ding malaman ang tunay na presÂyo at kung genuine o peke. Kung expensive kasi ang item, baka maibigay sa hindi naman nakakaintindi at ma-recycle uli.
Merong mga celebrity na gustong makitang isinuot ninyo ang kanilang maÂmahaling regalo. Pwes, wear it a few times bago mag-hand-me-down sa mga kamag-anak na bagay lang magsuot ng mga signature item!
Vice Ganda hindi maatim sa apat na katauhan
Isang showbiz reporter (na mukhang baduy) ang nagpahayag na favorite niya ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ni Vice Ganda at, ang feeling niya, ito ang magiging top grosser.
Kumontra agad ang isang supladitang lady scribe at sinabing masusulasok siya kapag pinanood ang apat na katauhan ng beÂking entertainer sa isang movie.
“That’s too much for me,†say ng Inglesera. “I cannot swallow it hook, line and sinker na ang beking artista lang ang bida sa kanyang entry!â€
Binulong agad sa akin ng katabing writer, “Kasali iyan sa PR team ng My Little Bossings!â€
’Buti hindi San Pedro Calungsod at baka mag-nobena pa siya!
Sa sobrang lungkot ng mga kanta, Christmas album ng singer tinatanggihang patugtugin kahit saan
Nahihirapan ang isang recording artist na magpa-plug ng kanyang bagong Christmas song and album sa mga radio program.
Matatapos na kasi ang panahon nang pagpapatugtog ng mga holiday tune pero kahit isang radio play ay wala pa siyang narinig for his CD.
Ang sabi, nakiusap na rin ang kanyang manager sa mga mall para isali sa piped-in music ang kanyang kanta. Ayaw pa ring patugtugin. Ang say sa kanila, sobrang lungkot nito at ang kailaÂngang marinig ng mga tao ay masasayang kanta para maibsan ang lungkot na dala ng bagyong Yolanda.