MANILA, Philippines - Pagkatapos ng 18 years ay muling magtatambal sina Lea Salonga at Aga Muhlach sa isang pelikula. Ito ay nai-announce mismo ni Aga sa concert na Lea Salonga: Playlist noong nakaraang Linggo.
Noong 1995 pa huling nagtambal ang daÂlawa sa pelikulang Sana Maulit Muli na produced ng Star Cinema. Ngayon ay may istorya na ang reunion film nila at uupuan na lang kapag pareho nang may time ang dalawa.
Si Aga kasi ay busy sa kanyang dalawang shows sa TV5 na Let’s Ask Pilipinas at Pinoy Explorer. Si Lea naman ay labas-masok ng bansa dahil sa mga show niya abroad.
Kung matutuloy ang pelikula nila, ito ang magiging third movie nila together. Una silang nagsama sa pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal ng OctoArts Films in 1992.
“I spoke with Malou Santos of Star Cinema and the director of Kailangan Kita and Dubai (Rory B. Quintos) and they told me may istorya na,†say pa ni Aga sa magiging reunion nila.
Matagal na ring gustong makasama ulit ni Lea ang aktor at iyon nga ang magiging rason niya para bumalik sa paggawa ng pelikula. Mas naging abala si Lea sa paglabas sa theatre musicals tulad ng Miss Saigon, Les Miserables, The Flower Drum Song, Into The Woods, Cinderella, Cats, at marami pang iba.
Jessica magko-concert sa New Year’s Eve bilang tulong sa ‘Pinas
Natapos na ang 11-day charity mission sa ating bansa ng Fil-Mexican-American na si Jessica Sanchez. Nagsimula siya noong Nov. 30 at tinapos niya ang lahat sa pagpo-promote ng kanyang latest single na Lead Me Home.
Nangako si Jessica na babalik siya sa bansa sa pagpasok ng New Year. Magkakaroon siya ng New Year’s Eve show sa Eastwood City sa Libis, Quezon City.