Eksena ng linggo ang pagwawala at pananampal ng lasing na si Anne Curtis kina John Lloyd Cruz at Poemela Barranda sa isang okasyon. Maraming version ang nangyari kaya nalilito ang publiko.
Ang sabi nag-ala Baron Geisler si Lloydie kaya nasampal ni Anne. May report na feeling nabastos ang aktres dahil pinagkakatok ng aktor ang toilet na gamit pa niya. Lumabas na minadali ni Lloydie si Anne.
Ang bulong naman ng isang close sa dalaÂwang artista, merong matagal na saÂmaan ng loob ang dalawa, at doon lang luÂmabas nang husto. Kung paano nadamay si Barranda (na hiÂningan agad ng sorry ni Anne) ay hindi namin alam.
Pati si Jake Cuenca nadamay, pero umaÂmin ang aktor na present siya on that occasion, pero hindi siya kasali sa kaguluhan. Wala siyang alam kung ano talaga ang nangyari.
Nagkaroon ba ng affair sina Anne at Lloydie noon?
Starlet maniac!
Pinaghihinalaang nymphomaniac ang isang sexy starlet. Steady niya ang isang aktor, pero nakikipag-date pa siya sa isang showbiz personality. Katwiran ng seksi, pinababayaan ng kanyang boyfriend ang mga pangaÂngailangan niya bilang babae, samantalang nahulog na ang timbang ng menchu sa sobrang pagbibigay sa kanyang partner. Pinagbintangan pa nga siyang closeta.
Kilala na kasi ang aktres sa pangangaliwa at pagÂreÂÂreklamong hindi na nadidiligan kahit sagana sa sex. Noon kumaliwa siya sa isang dating steady, walang rasÂyon din ang reklamo niya, kaya nagpadilig sa iba!
Vic sure na pakakasalan na si Pauleen
Ang say ni Vic Sotto kaya siya nakipagrelasyon kay Pauleen Luna, meron siyang long-term plan. Ibig sabihin may balak siyang lumagay sa tahimik with his much younger girlfriend.
Kaya lang it has yet to come. Maybe in the near future, na ang promise naman ni Bossing, ipaalam niya kung definite na.
Heart mali ang akala kay Alessandra
Mali ang unang akala ni Heart EvaÂnÂgelista (bagong endorser ng Tanduay) na liberated ang kanyang friend na si Alessandra De Rossi. ‘‘Yun pala napaka-conservative niya. Kahit sa kissing scene hindi siya sanay.’’
Gusto ni Alessandra na beach ang kanyang kasal, dahil feeling niya ay isa siyang sirena! Sigurado naman hindi isang syokoy ang magiÂging groom niya.
Inday Barretto hindi maikumpara ang buhay kay Annabelle Rama
Mapalad si Annabelle Rama na kahit biniÂbigyan siya ng pera nina Richard, Raymond, Ruffa, at iba pang Gutierrez, kahit minsan hindi isinumbat sa kanya ang mga ibinigay.
Ewan kung masasabi rin ito ni Inday Barretto, na marami pang ibang bintang ang mga sariling anak, na tila ibang tao o hindi galing sa kanyang sinapupunan.
Eugene gusto nang magka-boyfriend
Ang dasal ngayon ni Eugene Domingo, magkaroon na ng boyfriend.
‘‘Gusto ko na Lord. Please give me a lover.†Isa sa mga inaabangang palabas this 2013 Metro Manila Film Festival ang Kimmy Dora 3.
Pagkamatay ni Paul Walker, itinulad sa pagkamatay kay James Dean
Si Paul Walker na namatay sa car crash para sa raising event para Yolanda victims. Bago ang aksidente nakalikom na siya ng maraming pera at relief goods na pinadala sa Kabisayaan.
Itinutulad ang pagyao ni Walker sa car accident ni James Dean na bata ring namatay after his starring in Rebel Without a Cause at Giant.