Mike at Jessica uunahin ang kapakanan ng mga bata

MANILA, Philippines - Ngayong unang araw ng Disyembre, hatid ng back-to-back award-winning programs na Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador ang mga kuwentong malapit sa puso ng marami – mga bata.

Tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang mga sikat na child star ngayon na sina Ryzza Mae Dizon at James “Bimby” Aquino Yap, Jr. Maliban sa pakikipagkulitan sa host na si Jessica Soho, sa kanilang simpleng paraan ay tutulong din ang mga chikting na ito sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda.

Tunghayan ang kuwento ng pag-ibig ni Houssam Hammoudi, isang Canadian Muslim, sa gitna ng kalamidad sa Ormoc, Leyte. Matagpuan kaya ni Houssam ang kanyang minamahal na biktima ng bagyo? 

Samantala, tututukan naman ng Imbestigador sa pangunguna ni Mike Enriquez ang reklamong pangmomolestiya diumano ng dalawang bading sa isang binatilyong kaibigan nila. Humingi ng saklolo ang binata sa pamamagitan ng text sa kanyang ina na siyang lumapit naman para humingi ng tulong sa Imbestigador. 

Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho ng 7.30 p.m. at susundan naman ito ng Imbestigador, 9.30 p.m., ngayong Linggo, Disyembre 1 sa GMA 7.

Show comments