For the first time, sa loob ng ilang taong pagdaraos ng Metro Manila Film Festival na ka-join si Vic Sotto ay hindi si Tony Reyes ang direktor ng pelikulang kalahok, ang My Little Bossings, kundi si Marlon Rivera.
Si Kris Aquino ang may gustong si Direk Marlon ang magdirek ng kanilang filmfest entry dahil gusto niyang maalagaan at magsilbing stage mother sa pinakabatang leading man, walang iba kundi si James ‘‘Bimby’’ Yap, Jr. And at the same time, bilang business partner ng mga producer like Vic, Orly Ilacad, at Tony Tuviera.
Proud naman ang mga producer ng My Little Bossings, ang M-Zet, OctoArts Films, APT Entertainment, and of course ang mader ni Bimby dahil tiyak patok at pista ng mga bagets sa unang pelikula nina Ryzza Mae at Bimby. Naku, tiyak super happy Christmas ang mga bata sa Pasko!
Mga nag-tie sa Star Awards madugo ang pinagdaanan
Marami raw ‘‘tie’’ sa nakaraang 27th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Oo nga ’no? Eh kasi karamihan o lahat halos ng mga kalahok na show, performer, at iba’t ibang categories ay magaganda at talagang sinala ng mga voting member during sa deliberation bago ang awards night. Madugo ang botohan at nag-aaway-away na ang mga member.
Sayang naman din kasi na kapag sinuri mo, may karapatan ang dalawang kategorya na magsama sa iisang panalo dahil pareho silang magaling.
Ganyan naman sa isang labanan, mayroong hindi pabor, mayroong pabor. Congratulations na lang sa mga nagwagi at kahit sa mga non-winner!
Salamat sa fans, hosts, performers, presentors, Airtime Marketing, Inc. ni Tess Celestino-Howard, buong production staff, Direk Al Quinn, at writers sa pamumuno ni Senedy Que-Galing.