Showing na in cinemas nationwide starting today ang drama movie na When the Love is Gone na tampok sina Gabby Concepcion, Alice Dixson, Jake Cuenca, Andi Eigenmann, at Cristine Reyes na first movie directorial job ni Andoy Ranay for Viva Films. Graded A ito ng Cinema Evaluation Board.
Naalaala namin ang tanong kay Cristine noong last presscon nila kung totoong hindi naman siya masaya ngayon, after ng break-up niya sa ex-boyfriend na si Derek Ramsay. Hindi raw totoo, mas masaya siya ngayon dahil naayos na niya ang buhay niya.
Inamin niyang naging magulo ang buhay niya noon pero ngayon na bati-bati na silang buong pamilya, mas masaya na siya.
Hindi maiiwasan kung nag-break man sila ni Derek pero ang mahalaga, friends pa rin sila at puwede pang magkatrabaho sa susunod na projects niya sa Viva Films.
Marian pigil na pigil ang iyak
Based sa IG (Instagram) posted ng mga fans nina Marian Rivera at DingÂdong Dantes na sumama sa pamamahagi niya ng relief goods ng Kapuso Foundation sa tatlong lugar sa Cebu last Monday, makikitang may mga shots na parang naiiyak si Marian, lalo na doon sa isang batang babae na umiiyak na habang inaabot ang relief goods sa kanya. Pinigilan nga raw niyang ipakitang naiiyak siya dahil kailangan ng napakaraming taong nakapila roon ay makitang malakas sila at handang tumulong sa pagbangon nila.
Gian at Frencheska matitindi ang halikan
Totoo kaya ang tsika na sina Gian Magdangal at Frencheska Farr na ngayon? Hindi kaya dahil ang dalawang Kapuso stars ang gumaganap na beach lovers sa Grease musicale na napapanood ngayon tuwing weekend sa Carlos P. Romulo Theater sa RCBC Building in Makati City?
Frencheska plays Sandy Dumbroski na dating ginampanan ni Lea Salonga in 1995 at si Gian naman si Danny Zirko. Yes, maraming kissing scenes ang dalaÂwa pero humanga kami kay Frencheska dahil first stage play niya ito at dahil sa maganda niyang boses, she passed with flying colors. Kasama rin sa cast si Iya Villania na hindi na baguhan sa stage at napakahusay din niya as Betty Rizzo. First time rin ito ni Rafa Siguion-Reyna na maganda rin ang boses as T-Birds Kenickie. Biniro nga naming stage mother si Direk Bibeth Orteza-Siguion-Reyna nang makasabay naming manood. Supportive raw lamang siya.
Every show directed by Robbie Guevarra ng 9Work Theatrical, mayroon silang guest performer bilang Teen Angel singing Beauty School Dropout na nagsasabing bumalik sila sa high school. Si Tom Rodriguez ang first guest nila, then sina Tirso Cruz III, Michael de Mesa, Kris Lawrence, JayR, Franco Laurel, Audie Gemora. Last weekend nila from Nov. 28 to Dec. 1. May matinee show at 3:30 p.m. sa Sat. at 4:00 p.m. sa Sun.