MANILA, Philippines - Nabili na pala ng isang chain of companies na may koneksiyon sa showbiz at pulitika ang isang privately-funded casino.
Tuwang-tuwa ang mga empleyado dahil sa pahayag ng presidente na personal silang miniting upang alamin ang problema. Ibinigay pa ng presidente ang cell phone number niya sa staff na nagnanais ma-suggest ng projects o ’di kaya ay magsabi ng problema.
Hindi man sinabi sa amin ang halaga ng bentahan, maraming datung ang pamilya kahit hindi na masyadong aktibo sa local showbiz, huh!
Alice idinenay na niligawan ng Viva big boss
Idinenay ni Alice Dixson na nanligaw sa kanya si Boss Vic del Rosario ng Viva Films noon. That time kasi na contract star siya ng Viva, may ibang partner ang big boss. Eh ngayon ang Viva ang namamahala sa movie career niya, hindi niya natanggihan nang ialok sa kanya ang When the Love is Gone na nagsisilbing comeback movie niya.
“Ipinilit talaga sa akin ni Boss Vic na gawin ang movie dahil magandang project. Eh, that time, hectic na nga ang schedules ko, may obstacle pa sa personal life.
“But after watching some unedited parts of the films, hindi nga siya nagkamali. It’s a perfect comeback movie for me,†katuwiran ni Alice sa huli naming pag-uusap.
Alam niyang remake ang movie na isang hit nung mid-‘70s. Pero mas pinili niyang hindi panoorin ang original version upang mabigyan niya ng fresh touch ang paglalarawan ng role niyang pinagtaksilan ng asawa.
Maestro Ryan nagulat na big hit ang PhilPop project
Very successful ang second year ng PhilPop 2013 dahil hindi lang magaganda ang mga kantang napili nung labanan kundi big hit din.
“It’s has been a problem sa ating song competition na ’yung nananalo ay hindi pinapansin ng publiko dahil ang feeling nila parang hindi akma sa dinig ng publiko.
“Pero for the first time, hindi lang including 1978 na Kay Ganda ng Ating Musika, ngayon lang na ang isang nanalong grand prize winner ay kinikilala ring isang hit sa radio, hit sa iTunes, hit sa YouTube…Hindi namin ini-expect na ganoon ang mangyayari pero ganoon ang nangyari!†pahayag ni Maestro Ryan Cayabyab sa launching ng PhilPop 2014.
Kaugnay ng next year’s competition, may website na ang PhilPop Music Foundation, ang www.philpop.com.ph kung saan doon puwedeng ipadala ang mga entry.
Hindi na inaambisyon ng foundation ang mahigit na 3,000 entries gaya ng ipinadala this year.
Ilan sa 2013 finalist ay ire-record ni Regine Velasquez at ito ay ang Araw, Ulap at Langit, at Sa ’Yo na Lang Ako na theme song ng For Love or Money ng TV5 weekly series.