Kilala si Angel Locsin dahil sa pagiging bukas ang palad at laging tumutulong sa kapwa lalo na kapag may kalamidad, ilang beses nang napatunayan ang paglingap nito sa mga kapuspalad at pakikipagtuluÂngan sa Philippine National Red Cross ng bukal sa puso.
Ngayong nakaranas na naman tayo ng bagyo at pagkasira ng libu-libong ari-arian ay muling nakikisimpatiya ang magandang aktres.
Katunayan, ipinapa-auction niya ang kanyang 1970 Chevrolet at ang perang makukuha ay mapupunta sa mga biktima ng bagyo. At buong puso itong ipagkakaloob sa Sagip Kapamilya.
Ang highest bidder sa gaganaping subasta ang mapagkakalooban ng iningatang sasakyan.
Walang kapaguran ang aktres sa pagtulong sa pagre-repack ng relief goods sa Red Cross kapag dumarating ang kalamidad. Kapag nakakita siya ng mga kapuspalad lalo na ng mga bata ay madaling mapaluha ang aktres kaya naman isa sa mga binibigyan niya ng kasiyahan kapag dumarating ang kanyang kaarawan ay ang mga batang taga-Payatas. Ang maganda pa kay Angel ay hindi nito pinag-iingay ang pagtulong sa kapwa.
Kaya naman nagkakaisa ang Movie Writers Welfare Foundation na ipagkaloob ang Gintong Palad Public Service kay Angel. Ito’y gaganapin ngayong Nov. 20 sa One Esplanade sa Pasay City ng 7:00 p.m.
Aktres natameme sa pelikula ng kilalang direktor
Dumalo sa isang premiere night ang magaling na aktres bilang suporta sa isang direktor na malapit sa kanya dahil siya ang nagbigay ng karangalan dito nang manalo sa abroad dahil sa ginagawa nilang pelikula.
Nang matapos ang pelikula ng paboritong direktor ay tinanong ito ng isang malapit na kaibigang writer kung ano ang masasabi sa pelikula.
“No comment. Ayaw kong magbigay ng reaksiyon! Tawagan na lang kita,†sabi ng aktres.
Hindi kaya siya nagandahan sa pelikula ni Direk?