Ngayong gabi na magaganap ang bonggang anniversary concert ni Sarah Geronimo, Perfect 10, sa Araneta Coliseum. Pasabog daw mula sa stage, mga susuoting gown, at guests ang mapapanood na matagal na tinutukan at pinagÂhandaan ng Pop Princess.
Tutok na tutok si Sarah sa rehearsals ng kanyang series of 10th anniversary concert. Una ngaÂyong gabi, sunod ay sa Nov. 30, na gaganapin sa Mall of Asia Arena, at sa Dec. 7 ay sa Cebu.
Parang ang hirap isipin na nakaisang dekada na sa showbiz si Sarah dahil dati ay isa lang siyang simpleng dalaginding na may magandang boses na nanalo sa talent show na Star for a Night.
Ngayon ay isa na si Sarah sa isa sa pinakamaÂtagumpay nating artista sa bansa.
Sa kanyang major concert ngayong gabi na biÂnansagang “mother of all concerts,†bukod sa bonggang show na mapapanood ay inaabangan din ng lahat kung pupunta ba at manonood ang kanyang rumored boyfriend na si Matteo Guidicelli.
LJ nasaid na ang naramdamang pagmamahal noon kay Paulo
Ayon kay LJ Reyes, hindi naman siya naniniwala na kaya ng ex-boyfriend na si Paulo Avelino ang mag-attempt ng suicide dahil sa depresyon sa paghihiwalay nila.
“Hindi po ako naniniwalang kaya niyang gawin ’yun. Sinabi naman din po niya na hindi totoo. So, siguro, ’yun na ’yun,†she said.
Pero siyempre kahit wala na sila that time, nang lumabas ang balita, ay nag-alala pa rin naman siya dahil tatay ito ng kanyang anak na si Aki bukod pa nga sa may pinagsamahan sila.
Tinanong ba niya si Paulo tungkol dito?
“Hindi eh kasi siya ’yung tipo ng tao na hindi mo puwedeng taÂnuÂngin tungkol sa ganitong bagay, ’tapos sa cell phone lang, sa text lang,†she said.
Nalaman niyang okay naman si Paulo dahil may common friends din naman sila na nagsabi sa kanya and later ay naglabas na nga ng statement ang maÂnagement ng aktor stating na hindi nga ito totoo.
Sa ngayon ay mukhang naka-move-on na si LJ sa hiwalayan at nang tanungin nga namin kung ano ang reaksiyon niya sa balitang nagde-date si Paulo Avelino at KC Concepcion, say niya, happy daw siya for him.
“Okay naman po ’yun, kung talagang nagde-date sila ni KC, happy naman ako para sa kanya. Basta si Aki (ang anak nila ni Paulo) talaga. Kung magde-date siya, kung talagang magiging seryoso siya sa isang babae, basta huwag niyang pababayaan si Aki,†she said.
Wala na raw kurot o kahit anong selos siyang nararamdaman.
When asked kung may pagmamahal pa siyang naÂraÂramdaman for Paulo at kung talagang ang naÂtiÂtira na lang ay dahil sa ito ang tatay ni Aki, aniya, “parang ganun po kasi sobrang nahirapan po talaga ako, na napagod po talaga ako. Na-drain po talaga ako emotionally.â€
Bakit?
“Ang hirap ng sitwasyon ko nun eh,†she said na halatang nahihirapang magdetalye.
“Nag-iba rin po kasi ang goal niya eh,†dagdag niya. “Nag-iba ang priorities. Hindi na nagma-match ’yung priorities namin. Mahirap na rin. Hindi na nagkokonek.â€
Bagama’t ayaw nang magbigay ng detalye ni LJ about the separation, may mga pakonti-konti naman siyang nasasabi. Like when asked kung bakit hindi niya tinatanggap si Paulo noong panahong nakikipagbalikan ito, aniya, ay hindi naman ganun kadali na ibalik sa dati ang lahat lalo na kung may tiwala nang nasira.
Ano ang nasirang tiwala?
“Ah, isa sa tiwalang ibinigay mo sa kanya ay ’yung magkaroon kayo ng isang buong pamilya pero hindi pala kaya. ’Yung ganun. Hanggang doon na lang,†sabi ni LJ na nahihirapan talagang magsalita.
Anyway, basta raw sa ngayon ay okay naman siya at bagama’t aminado naman siyang sobra siyang nasaktan sa relasyon nila at marami siyang tiniis, right now ay gusto na lang niyang mag-focus sa trabaho at sa kanyang anak.
Kasalukuyang napapanood si LJ sa serye ng GMA 7 na Prinsesa ng Buhay Ko with Aljur Abrenica and Kris Bernal at sa Sunday All Stars.