Masaya si Cristine Reyes na back to normal na ang friendship nila ni Derek Ramsay. As in tulad daw noong hindi pa sila nagkakaroon ng relasyon at nag-break.
“Masaya ako na back to normal kami. Ganun naman talaga kami ni Derek eh, ever since. After namin na magkatrabaho sa No Other Woman, naging magkaibigan kami, wala namang nabago,†sabi ni Cristine nang makausap namin siya sa presscon for her latest film under Viva Films, ang When The Love is Gone.
Naging okay ang lahat nang magpunta sila sa Hawaii just recently para sa isang show.
“Sa Hawaii nagkaroon kami ng bonding time. Magkasama kami doon halos, hindi naman buong trip. After ng show, nag-bonding na kami,†sabi ng aktres.
Tulad ni Derek, ayaw nang magsalita pa niya tungkol sa tunay na dahilan ng breakup. Basta ang nangyari raw kasi sa kanila, dahil nga magkaibigan sila, iniisip ng lahat na sila na kaya parang na-pressure sila.
“’Yung mga tao parang ayaw nila maniwala na magkaibigan kami. Trinay namin, o tingnan ninyo kung ano ang nangyari. Magkaibigan nga kasi kami eh,†rason pa ni Cristine.
Anyway, sa pelikulang When The Love is Gone ay may nine love scenes si Cristine kay Gabby Concepcion at sa kung saan-saang lugar – sa swimming pool, sa beach, sa bedroom, sa forest, at sa car.
When asked kung kumusta naman ang love scenes, sagot ni AA (tawag kay Cristine), nahiya siya at first pero pagkatapos ng ilang shooting days ay okay na raw.
“Kasi parang nakaka-starstruck pa rin kasi siyempre Gabby Concepcion ’di ba? Big star ’tapos partner ko pa. So, nakakaÂkaba,†she said.
Sa siyam na love scenes, nahirapan daw siya nung nasa dagat sila.
“Batu-bato ’yun, so, ang hirap, ’tapos sobrang lamig pa. Si Kuya Gabby, alalay nang alalay. ’Yun lang ang mahirap na part,†saad ni Cristine.
Showing na sa Nov. 27 ang When The Love is Gone at bukod kay Gabby, kaÂsama rin sa movie sina Alice Dixson, Jake Cuenca, at Andi Eigenmann.
Jennylyn naka-recharge sa HK, nangumpisal na sa breakup kay Luis
After her controversial breakup with Luis Manzano, humarap na sa mga reporter si Jennylyn Mercado kamakailan nang magkaroon siya ng meeting sa GMA 7 para sa bagong drama series niya kasama ang kanyang original ka-love team na si Mark Herras.
Sa naturang interview ay nilinaw ng aktres na okay naman siya ngayon at nilinaw niyang walang katotohanan ang lahat ng hindi magandang naglalabasan about the break-up especially ang mga tsikang may third party involved on her part at may mga nadadamay pang ibang mga pangalan.
Klinaro niyang hindi totoo ang balitang nagde-date sila ni Dennis Trillo habang karelasyon si Luis dahil never naman niyang ginawa ang magkaroon ng ibang karelasyon while in a relationship.
Nakatulong kay Jen ang pagbabakasyon nila ng kanyang pamilya sa Hong Kong recently dahil mukhang na-recharge siya and ready to work again. Kasama rin niya of course ang anak na si Jazz sa nasabing bakasyon at nag-enjoy talaga sila lalo na nga ang bagets.
Rhodora X ang title ng bagong serye nina Jen and Mark at ayon sa kanyang manager na si Becky Aguila, excited ang aktres dahil sobrang challeÂnging daw ng role.
Bukod dito, ito rin ang pagbabalik ng love team nila ni Mark at masaya raw ang aktres na makatrabaho ang dating kapareha at ex-boyfriend din.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang fans nila ni Mark na nananatiling loyal sa kanila mula noon hanggang ngayon. Ang Rhodora X ay para sa kanilang mga tagahanga na walang sawang naghihintay na magkasama sila ulit.