Masayang-masaya si Sharon Cuneta nang datnan namin sa set visit para sa Madam Chairman noong Martes. Nagkaroon ng thanksgiving prayer ang buong staff and crew, cast, director ng comedy series sa pangunguna ng Megastar pasasalamat sa gumagandang rating ng show.
Nagbiro nga si Sha na walang kahirap-hirap ang pagiging Madam Chairman dahil panalo na siya. Nakiayon nga ang programa sa nakaraang halalan ng barangay officials kung saan nagpaalala sila ng tamang pagboto.
‘‘Nagkapigtas-pigtas na nga ang takbo ng career ko at ngayon ay nagpapasalamat ako dahil sa bago kong drama serye ay naging masigla uli ito. Tumataas ang rating at marami nang tumatangkilik lalo na ang mga bara-barangay dahil nakaka-relate sila. Super ganda ang samahan namin ng mga artista, staff at crew, at mga director na sina Joel Lamangan at Soxy Topacio.
“Sana noon pa ako gumawa ng teleserye, 20 years ago, dahil ganito pala kasaya at kaganda ang mga serye,†pag-amin ng Megastar.
Ruby natakot nang pinaarteng sinasapian
Magaling na aktres si Ruby Ruiz na produkto ng entablado at kilalang indie actress. Nakalabas na ito sa Bourne Legacy at nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho si Rachel Weisz. Kasama rin ito sa Thy Womb at Ekstra na nanalo itong best supporting actress at pinanalunan din ng Star For All Seasons bilang best actress.
Tampok din si Ruby sa indie film na Sapi at natakot ito sa eksena dahil feeling niya ay totoong sinapian siya.
Semi-regular si Ruby sa teleseryeng Annaliza at Galema: Anak ni Zuma.
Malapit nang ipalabas ang Sapi at magkakaroon ng premiere night sa Nobyembre 5 sa SM Megamall Cinema 6 at 7 p.m. sa direksiyon ng multi-awarded na si Brillante Mendoza.