Nakatsika ng ilang showbiz press si GMA Primetime King Dingdong Dantes at nagpasalamat siya sa tulong sa kanya at sa buong cast ng She’s the One ng Star Cinema na umabot na ng more than P100 million ang box-office returns for the first two weeks.
Two consecutive years na nanalong best actor si Dingdong sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at iÂnamin niyang medyo nanghinayang din siya na wala siyang entry sa MMFF sa December.
Akala raw kasi nila ay isasali ang Kung Fu Divas sa festival kaya hindi nila itinuloy gawin ang part two ng Tiktik: The Aswang Chronicles dahil iisang team ang gumawa ng dalawang movies. Next year na nila itutuloy ang shooting nito.
Thankful din si Dingdong na after a few months, back to primetime scene siya ng GMA 7, sa isang malaking project, ang sci-fi human drama na Genesis. Ginagampanan niya ang role ni Isaak Makalintal, isang Presidential Security Guard o PSG para kay presidenteng Sandra Sebastian-Trinidad (Lorna Tolentino), na may pagmamahal sa kanyang pamilya, sa kanyang mga kababayan, at sa kanyang bansa. Si Isaak ang naatasan na hanapin ang mga taong nasa list na siya lamang makaliligtas sa pagkakagunaw ng mundo. Alam ba niyang maraming nagri-request na viewers na mas gusto nilang mapanood ay iyong mga disaster scene na kakabit ng end of the world?
“Paninindigan namin ang sinimulan namin nina Direk Mark Reyes at Bb. Joyce Bernal at sa bawat disaster na mapapanood nila, may magagandang aral na mapupulot ang mga televiewers. Marami pang mangyayari hanggang sa pagtatapos namin sa January 2014 at promise namin hindi kayo madi-disappoint hanggang sa dulo. Katatapos lamang naming makunan ang tsunami na mapapanood next week.
“Marami ring mga artista who will do cameo roles. We are trying to invite Batangas Governor Vilma Santos-Recto na gaganap siyang governor din. Hindi na namin ito ii-extend dahil ang ending talaga ay one hundred years after ng pagkagunaw ng mundo at ang pagbuo ng bagong simula,†sabi ng aktor.
Sa tanong kung nami-miss na niya ang muli nilang pagtatambal ng girlfriend, si GMA Primetime Queen Marian Rivera, miss na raw niya kaya may binabalak silang isang romantic-comedy movie na gagawin nila next year. May mga kinausap na silang tutulong sa kanila. Siyempre, hindi mawawala ang tanong ng pagpapakasal nila.
“Ang pagpapakasal naman matagal ko nang pinaghandaan iyan, kaya lamang may responsibilities na dapat i-prioritize. Wala naman akong timeline for being single but sana hindi naman ako abutin ng forty years old bago magpakasal. Pero gusto ko may sarili na akong bahay. No permanent address pa ako ngayon. Nandoon pa ako mag-isa, sa dati naming bahay sa Cubao (Quezon City), once a week binibisita ko ang mommy ko. Pero darating tayo diyan dahil sa ngayon ay dini-develop na ang lote na nabili ko sa The Fort (Taguig City). Doon ako magpapatayo ng bahay namin,†sabi ni Dingdong.