Jason gusto sanang taun-taon buntisin si Melai

Ipinagtapat sa amin ni Jason Francisco na noong huli namin siyang ma-interview sa set visit ng Wansapanataym with Ella Cruz and Francis Magundayao last July ay alam na niya na buntis na noon ang girlfriend na si Melai Cantiveros.

“Kaya nga nag-hint na ako noon sa inyo dahil alam ko na noon,” he said nang makausap namin siya sa presscon ng Honesto last week.

Sa interview nga namin last July ay nabanggit na ng aktor na gusto na nilang magka-baby ni Melai at kaya naman pala ganun ang dialogue niya ay buntis na nga pala that time.

Sobrang excited ang Melason couple sa first baby nila at mukhang suwerte naman ang pagbubuntis ni Melai dahil sunud-sunod ang trabaho nila lalo na nga si Jason na for a while ay tumamlay ang career at inisip na ngang mag-abroad noon.

Si Melai, aside from I Dare You, ay may tele­serye pa ngayon via Honesto kung saan ay magkasama rin sila ni Jason.

Natanong namin kay Melai kung may balak pa siyang bumalik bilang guest co-host ni Kris sa Kris TV at say niya, oo naman daw.

“Gusto ko talagang bumalik sa Kris TV. Pero siyempre, kung gusto pa rin ako ni Miss Kris (Aguino),” she said.

Sa end ng March manganganak si Melai pero nga­yon pa lang ay natanong na sila kung kailan ito susundan.

Pahayag ni Jason, “Dati, ang gusto ko sana, ta­un-taon may kasunod. Nung nag-seminar kami, nalaman namin na hindi pala maganda ’yun para sa babae kasi parang ’yung nawawala raw na du­go sa babae kapag nanganganak, hindi agad naba­balik ’yun kaya delikado ’pag taun-taon eh nabu­buntis. Dapat may pagitan talagang two to three years.”

Sa first week of December na ang kasal ng Melason couple sa General Santos City sa Min­danao.

Edu palaban kay Ellen

Pinainit ng model-actress na si Ellen Adarna ang TV5 studio ng pinakabagong late-night comedy talk na What’s Up, Doods? nang palaban siyang humarap sa isang no-holds-barred interview sa batikang si Edu Manzano Sabado ng gabi.

Tinagurian mang babae na may “strongest knock-out punch,” hindi natinag si Edu sa pakay niyang “hubaran” ang to­toong pagkatao ng sex nymphet.

Nakuwento ni Ellen na isang taon siyang na­wala sa eksena dahil na-bore pala siya at nawalan ng challenge sa pag-aartista.

Inspiring naman ang interbyu kay Atty. Roy Torrentira, 30 years old, ng Bohol, ni Edu.

Hindi itinago ni Edu ang labis na paghanga sa kanyang nakausap na abogado na nagpursige’t binuno ang lahat matupad lang ang pangarap na mag-abogasiya. Lahat ng mahihirap at mababang trabaho ay pinasok niya, tulad ng pagiging all-around aide sa isang karinderya at maging tindero ng sorbetes, matustusan lang ang sarili sa kolehiyo sa Adamson University.

Nang pumasa sa bar, kinuha siya bilang associate sa law firm ng naging professor niya.

Ngayon ay nagbibigay siya ng libreng legal assistance sa mga nangangailangan dahil sa tinatawag niyang “paying it forward” bilang pasasalamat.

 

Show comments