Hindi pa halata ang tiyan ni Melai Cantiveros since nasa 4 months pa lang ang pregnancy niya at wala pa ring pagbabago sa katawan niya nang maÂkita namin siya kahapon kasama ang future husband na si Jayson Francisco sa presscon ng Honesto, ang bagong serye ng Dreamscape Productions ng ABS-CBN na papalit sa timeslot ng Juan dela Cruz.
Kasama sa cast ng Honesto ang Melason couple at say nga ni Melai, keri pa naman niyang magtrabaho dahil sa end ng March pa ang kanyang kabuwanan.
Tapos na rin ang first trimester ng kanyang pregnancy kaya okay na raw siya ngayon unlike noong first three months nga na lagi raw masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya makapagtrabaho to the point na na-give-up niya ang co-hosting job sa Kris TV with Kris Aquino.
“Noong first three months talaga, hindi na talaga ako umaalis sa kama, nakaganu’n (nakahiga) lang ako. Sabi ng doktor ko noon, normal lang daw ‘yung nangyayari sa akin. Naku kung alam n’yo lang. Sabi ko nga, “dok, hindi na ito normal.†Tapos sabi niya, pag-end ng 3 months, magiging okay na raw ako. Naging okay nga ako. Normal naman pala nga,†say ni Melai na ang bilis-bilis pa ring magsalita.
As we all know ay naka-schedule na ang Melason wedding sa first week of December sa isang church sa Gen. Santos City na bayan ni Melai. Iniisip pa nga raw nila kung anong exact date ng first week pati na kung saang simbahan.
Kinumusta namin kay Melai kung inaalagaan ba naman siya ni Jayson habang maselan ang kanyang pagbubuntis at aniya ay sobra nga raw.
“Lagi siyang nandiyan, hindi siya umaalis ng bahay. Lahat ng gusto ko, binibili niya. Napapagod nga siya sa kabibili kasi hindi ko naman kinakain,†kuwento ni Melai.
Say naman ni Jayson, kung anu-ano raw ang ipinapabili ni Melai.
“Minsan double body (tinapay), eh wala naman dito sa Maynila. Kaya nga dinala ko na ‘yan sa probinsiya kasi ang hirap ng mga pinapabili. Minsan, isda. Tapos, masuÂngit din. Eh naiintindihan ko naman kasi nga mayroon siyang pinagdadaanan,†kwento ni Jayson.
Made in Singapore ba talaga ang baby nila?
“Hindi namin alam,†say ni Jason. “Pero feeling ko, made in the Philippines ‘yan. Made in ABS-CBN. Hindi, joke lang,†dagdag niya.
Sobrang excited ng Melason couple sa kanilang parating na baby. Hindi pa raw nila alam ang gender at sa five months pa raw ng pregnancy niya malalaman pero kung si Jasyon ang tatanungin, mas okay kung lalaki pero siyempre, kahit daw ano basta malusog lang.
Hiningan din namin ng reaksyon si Jayson tungkol sa sinabi ni John Prats na papayag siya kung kukunin siyang ninong ng anak nila, ayon sa aktor, sana raw ay mag-usap muna sila.
“Lahat na ginawa ko para magkausap at magkaayos kami, pero talagang parang ayaw pa niya. Alam n’yo naman ang showbiz at hindi, eh kayo na po ang bahala, ako’y lahat na inano ko (read: lahat na ginawa ko),†he said.
“Hindi, kasi siguro, hindi pa sila nagkakausap kaya ganyan. Kasi siyempre, ang gusto naman niya, mag-usap muna sila. Ako naman, bago kumuha ng ninong, ipag-pray muna natin na makalabas ito (sabay-hawak sa baby sa tiyan) nang maayos,†sabi ni Melai.
Anyway, sa Oct. 28 na magsisimula ang Honesto na pinagbibidahan ng bagong-tuklas na bata ng Dreamscape na si Raikko Mateo. Isa rin sa bida si Paulo Avelino bilang ama ni Honesto, with Maricar Reyes, Joel Torre, Melissa Ricks, Joseph Marco, Janice de Belen, Nonie Buencamino, and Eddie Garcia.
Paulo naging honest na sa kanyang lovelife, kaya na ring pag-usapan ang anak kay LJ
Sa presscon pa rin ng Honesto, marami ang nanibago pero natuwa kay Paulo dahil medyo nago-open-up na siya tungkol sa anak nila ni LJ Reyes.
Nang punahin ng entertainment press ang pagiging slightly vocal ni Paulo about his child, say niya, hindi naman daw siguro magandang tingnan kung hindi siya magiging tapat samantalang the show promotes honesty.
“But I never lied about it (his child). Hindi ko lang talaga gustong pag-usapan, pero bilang pambata ito, and hindi lang pambata, kundi para sa lahat ng age, parang isa sa pinaka-importanteng trait din na dapat matutunan ng bata, ako, gusto ko rin naman pong makita rin ako ng bata na may matutunan siyang magandang asal,†sabi ni Paulo.
Since tungkol sa pagiging katapatan nga ang kwento ng serye, once and for all ay natanong din si Paulo kung ano ba talaga ang status niya ngayon.
May nagbiro na complicated since may movie rin siya sa Regal Films na ang titulo ay Status: Complicated at ‘yun nga rin ang isinagot ng aktor.
“My status is single and complicated,†nakaÂngiti niyang sagot.
In fairness to Paulo, he seemed to be making up sa press. Nagpa-raffle siya ng cell phone after the presscon at take note, nag-stay siya till the very end. Talagang siya ang pinakahuling-huling umalis sa presscon to the point na kakaunti na lang ang natitirang press. Walang pagod siyang nagpa-interview sa lahat ng gustong kumausap sa kanya unlike before na bihira mo siyang mai-pin-down for an interview at napakaraming limitasyon sa questions.
Narinig din naming humihingi ng dispensa si Paulo sa isang kasamahan sa hanap-buhay for his past mistake.
Nakakatuwa naman. Sana magtuloy-tuloy ang paÂgiÂging accommodating ni Paulo sa press para magÂtuloy-tuloy na ang magandang relasyon niya with them at tuluyan na ring manumbalik ang love namin for him.