Wala naman sa diksyunaryo na ang pag-ibig kapag bata ka, para ka sa bata, at ang matanda ay sa matanda. Excuse me, walang edad ang pinipili sa pag-ibig. Puwedeng ang bata ay sa matanda at ang matanda ay sa bata. All is fair, ’ika nga, basta mahal ninyo ang isa’t isa.
Tinataasan daw kasi ng kilay si Freddie Aguilar, ang Lifetime Achievement Awardee recently ng Star Awards for Music na iginawad sa kanya kasabay nina Dulce, Imelda Papin (represented by Aileen Papin na kapatid niya), Rico Puno, Sampaguita, Rey Valera, at Vic Sotto bilang icons of the Philippine music. Naku, baka naiinggit lang! Kasalanan ba ni Freddie kung senior citizen nga siya pero matulis pa rin?
Hindi tuloy napigilan ang tatlong magaganda at seksing arresting officers ng Saturday talk show ng TV5 na Showbiz Police na sina MJ Marfori, Dani Castano, at Divine Lee, kesehodang hindi sila natulog sa pagtutok kay Freddie na ilang gabi na nilang inaabangan sa kanyang bar sa Mabini Street ng Maynila. Hindi naman sila nabigo at nakita nga si Ka Freddie at nai-guest sa Showbiz Police para sa mga ginawang pasabog ng mga host na sina Cristy Fermin, Rep. Lucy Torres-Gomez, Direk Joey Reyes, at Raymond Gutierrez nung Sabado.
St. Pio nagmilagro sa pader
Grabe ang lindol sa Bohol, Iloilo, at Cebu. Nangyari na rin ’yan sa Maynila may ilang taon na ang nakalilipas. Isipin na lang na ilang mga antique church sa tatlong siyudad na niyanig ang nasira ang kani-kanilang simbahan. Sa Maynila kasi ay wala.
Miracle ’yung imahen na nakita sa pader ng isang church, may mukha ni St. Pio of Pietrelcina. Isa si St. Pio sa mga favorite saint ng mga maysakit. Masyadong miraculous na matagal nang panahong namatay siya pero buo pa ang kanyang bangkay na nakahimlay sa isang transparent na lagayan sa kung saang bansa. Pero ang kanyang bahay dalanginan sa Pilipinas ay matatagpuan sa isang barangay papasok ng bayan ng Alaminos, Batangas. Sa Quezon City naman ay makikita ang kanyang imahen sa malapit sa Eastwood, Libis. Heal us St. Padre Pio!