Eugene nagpaka-liberated na, nagpasibasib kay Jake at rumolyo-rolyo sa kama kay Paulo

Siguradong pag-uusapan at magiging kontro­bersiyal ang mapangahas at kakaibang pagganap ng komedyanang si Eugene Domingo bilang Marian, isang sexologist, sa bagong pelikula ni Direk Chris Martinez para sa Regal Entertainment, Inc., ang Status: It’s Complicated, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Nov. 6.

Mapangahas, dahil lumaban at nakipagsabayan talaga si Eugene sa pagpapaseksi at pagpapakita ng katawan kina Maja Salvador at Solenn Heussaff, dalawa sa pinaka-pinagpapantasyahan na aktres ng bansa ngayon.

Hindi talaga siya nagpakabog sa dalawa’t, bed scene kung bed scene ang binanatan kasama ang Status: It’s Complicated hunky male leads na sina Jake Cuenca at Paulo Avelino.

Sa trailer, nariyang isubsob ni Jake ang mukha sa maselang bahagi ng katawan ni Eugene habang nasa isang bar at rumolyo-rolyo sila ni Paulo nang nakahubad sa kama.

Confident na confident naman si Eugene sa pag­papaka-daring dahil malaki na rin naman ang naibawas sa kanyang timbang mula nang regular na mag-diet at workout.

“Vampy” at “sultry” na nga rin ang kategorya ng dating wholesome comedienne lalo pa’t pumayag itong magsuot ng revealing swimsuit sa maiinit na eksenang kinunan pa sa Boracay at flimsy lingerie para sa character poster at movie layout ng pelikula.

Pati speaking lines ni Eugene, makatawag-pansin, huh!

Ilan dito ay ang: “’Wag mo ‘kong sanayin, baka mawili ako, hanap-hanapin ko,” “Masarap, maga­ling, malinamnam, ma-everything,” at “You like me now, I like you now, fine! You don’t like me tomorrow, I don’t like you tomorrow, fine!” na napaka-libe­rated woman ang dating.

Sabagay, hindi ito kataka-taka dahil gaya ng sabi ng komedyana, malaki ang tiwala niya kay Direk Chris considering na matagal na silang magkakilala at kabisadung-kabisado na nila ang isa’t isa.

Ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila, tulad ng award-winning indie film na Ang Babae sa Septic Tank.

Sa Status: It’s Complicated, magkaribal sina Eugene at Solenn, bilang fashion designer na si Sylvia, sa katawan, atensiyon, at pag-ibig ng guwapong graphic designer na si Jerry (Paulo).

Contest sila sa pang-aakit at pangingiliti sa pagkalalaki ni Jerry pero, sa huli, mananaig pa rin ang tunay na pag-ibig.  

Ang Status: It’s Complicated ay inspired ng classic Ishmael Bernal movie na Salawahan.

Say nga ni Direk Chris, mababago ang pananaw ng moviegoers sa love, sex, at relationship oras na mapanood ang mas modernong bersiyon ng pelikula.

Para sa iba pang pasabog at nakaiintrigang dialogue at eksena, mag-log-on lamang sa fan page nito sa Facebook at sundan ang Regal Twitter at YouTube accounts.

Sarah kinumpirma na ang gagawing pelikula pero hindi kasama si John Lloyd

May naka-line up na palang movie project si Sarah Geronimo na gagawin for 2014 pero hindi pa niya puwedeng i-divulge ang mga detalye dahil nasa planning stage pa lahat.

Ang tsika ngang kumakalat, may next installment na naman ang movie nila ni John Lloyd Cruz and this time ay mag-asawa na sila bilang Miggi and Layda, ang mga bidang character sa tatlong pelikulang ginawa nila.

Pero ayon kay Sarah sa presscon ng Perfect 10 anniversary concert niya, parang hindi muna ’yun ang kanyang gagawin pero co-production din ng Viva at Star Cinema. Pero siyempre, kung bibigyan ng chance, gusto pa rin naman niyang makatrabaho ulit ang aktor.

As a singer, lahat na ng klase ng parangal ay naibigay na yata sa Pop Princess kaya naman natanong siya kung bilang aktres ay gusto rin ba niyang magkaroon ng acting award.

“Siyempre po, lahat naman kami na nandidito sa industriya, gusto na­ming ’yung ganung klaseng re­cog­nition o karangalan pero ayoko naman pong mas­yadong maging am­bis­­yosa. Kung dara­ting po, darating. Kung mangyayari, mangyayari. Basta pagbubutihin ko po ang lahat ng trabahong darating sa akin,” sagot niya.

Pero kinumpirma na ni Sarah na may season two ang The Voice of the Philippines kung saan ay isa pa rin siya sa mga coach.

“Merong mga natuwa, merong mga hindi natuwa,” natatawang saad ni Sarah.  “Pero ’yun po I remain a coach for the second season.”

Alam ni Sarah na hindi naman niya mapi-please lahat. Kung may mga natatanggap siyang papuri bilang coach ng The Voice, meron ding mga pagpuna.

“I know my limitations, ’yung mga comprehension ko pagdating sa, ’yun nga, pagdating sa pagiging mentor ko. Pero hindi ko matanggihan ’yung a chance to contribute, ’yung a chance to be part of other people’s lives, making other people’s dreams come true, ’di ba?

“Ang sarap eh. Ang sarap sa pakiramdam. So, bakit ko papakawalan ’yun? As long as they want me there, nandodoon po ako. Kung i-kick out nila ako, okay. Pero gusto pa po nila ako, so, tinanggap ko ulit,” she said.

Right now, puspusan na ang paghahanda ni Pop Princess para sa Perfect 10 concert niya na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City on Nov. 15 and Mall of Asia Arena on Nov. 30.

 

Show comments