MANILA, Philippines - Magaganap ang dream wedding ni Miss Universe 2011 Shamcey Supsup at ng kanyang fiancé na Filipino-Chinese businessman na si Lloyd Lee sa darating na Dec. 29. Kumpara sa naging engagement party nila, this time ay very Pinoy ang kanilang wedding at sa ngayon ay hindi pa naman nakakaramdam ng pressure ang beauty queen.
“Medyo lang kasi medyo ano ako eh, relaxed. Pero, hopefully, everything will be smoothened out na by that time,†sabi ng beauty queen.
Sa ngayon ay hindi pa nagbigay ng detalye si Shamcey, maliban sa isang simbahan sa Quezon City magaganap ang kanilang kasal at sa ballroom ng isang kilalang hotel naman daw magaganap ang reception.
“Sa Chinese family, for them, they always love big weddings kasi parang for them, it’s a… parang it’s a symbol of a successful wedding.
Parang sa kanila, it’s successful if a lot of people were able to witness the wedding of their children, ’yung mga ganun,†kuwento pa niya.
Dahil dito, masugid siyang tinutulungan ng kanyang future husband pagdating sa pag-o-organize ng kanilang kasal. Sobrang hands-on ni Lloyd sa kanilang wedding preparations.
“Everything. We go together in all meetings with suppliers and kinu-consult ko lahat sa kanya kasi siyempre wedding namin ’yun eh. It’s not just about me. It’s about the two of us. So, lagi ko siyang kasama,†sabi ni Shamcey.
Ibinahagi rin niya na walang specific theme ang kanyang “dream wedding.â€
Dagdag pa ng beauty queen, “’Yung theme is more of parang lace and pastel colors. Wala talaga siyang ’yung parang motif na very detail-specific na kailangan ganito. Sa akin, it’s really like pastel colors and the use of lace kasi, in all, everything lace siya.â€
Si Louie Heredia, na nagpasikat ng kantang Nag-iisang Ikaw, ang napiling wedding singer ng dalawa.
Saan naman kaya nila balak mag-honeymoon?
Sagot ng 27-year-old celebrity, “We wanted to go to Europe pero it’s winter. So, we’re gonna postpone it for now. And we’ll go there Holy Week.â€
Kadalasan, kasabay ng papalapit na kasal ay ang ilang mga ikinakatakot ng mga bride-to-be. Ngunit, ayon kay Shamcey, wala siyang nararamdamang wedding jitters.
“Actually, baliktad. Parang sabi namin, ‘Sana nung June pa tayo nagpakasal. Bakit pa natin pinatagal ng December?’
“So we’re really excited na. Actually, parang hindi na excited eh. Para bang we’ve been waiting for it for quite some time na. At least, malapit na,â€