Daig pa ang bukas na malalaking pinto sa isang network. Lahat ng mga chismax at intriga doon ay agad kumakalat sa lahat ng sulok ng showbiz. One good example ay ang mga istorya ng mader na isinoga sa baklesh ang anak, na laging may mga update.
Ang latest drama ng mama, humihiram siya ng malaking puhunan sa beki upang mag-invest sa negosyong boutique. Type niyang mamakyaw ng mga item sa Hong Kong at Bangkok, Thailand. Ingat ka lang ineng at baka puro peke ang mapakyaw mo at maging little La Divi (Divisoria) ang tindahan mo.
Aba, donyang kafatid, igibsung agad ang Andalucia, Sampaloc Manila (in short, datung) para maÂging busy ang mader at mawala ang timekeeper sa mga kaligayahan mo with the young and handsome actor!
Martin nakahilera na ang mga world class na singer sa 3D repeat
Pinag-aralang mabuti nina Martin Nievera, Director Rowell Santiago, at lahat ng bumubuo sa super hit na 3D 30th Anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum last Sept. 3 kung ano ang puwedeng idagdag o kahit baguhin ng konti ang palabas na nagbigay kasiyahan sa lahat ng nanood.
Kailangan kasi ibayong ingat sila upang maging intact ang lahat ng mga well applauded and very entertaining numbers in the Concert King’s 3D (Tatlong Dekada) live concert. Ang sigurado, magdadagdag sila ng big surprise guests on 3D’s repeat come Nov. 22 at the same venue.
Nasa special guest list na ang mga world class name who will appear to all types of audienÂces siyempre kasama pa rin ang ABS-CBN PhilÂÂharmonic Orchestra at ang mga multi-platinum smash hit ni Martin tulad ng Kahit Isang Saglit, Be My Lady, Each Day With You, You are My Song, Ikaw Lang ang Mamahalin, at marami pang iba. Kung paano napagkasya sa isang live concert ang lahat ng mga memorable recording ni Martin, isa pang conversation piece. At kung paano nag-evolve ang mga rendition ni Martin in a contemporary style ay kahanga-hanga para sa isang artist na tatlong dekada na sa eksena.
Tickets for the Nov. 22 3D concert repeat are now available. Call Ticketnet at 911-5555. Tiyak kahit ang mga nakapanood na ay gustong ulitin muli ang show. Siyempre para sa mga charitable cause ang proceeds ng palabas.
Ogie malabong magka-album sa TV5
Merong mga industry insiders na nagmungkahi kay Ogie Alcasid na pagsama-samahin ang kanyang mga naisulat na hit songs at gumawa ng isang stage musical na magagamit ang kanyang mga kanta.
Nagustuhan ng singer/songwriter ang suggestion at maaaring simulan niya ang pagsulat ng ilang libretto para sa musical. Ang musika ay madali nang idagdag kapag kumpleto na ang istorya, base sa kanyang mga komposisyon.
Talaga palang hindi matutuloy ang pamumuno ni Ogie sa isang music company na maaaring itayo ng TV5 owners. Committed muli sa isang contract si Ogie sa Universal Records, kaya hindi pa siya maaring lumipat sa ibang music company.
Original script ng MM, English sana last minute lang ginawang Tagalog
Ang original script pala ng Metro Manila, isang British production filmed in the country, with Jake Macapagal and Althea Vega playing the lead roles, ay written in English.
Nagpasya lang na palitan ng Tagalog ang dialogue nito noong sinimulan nang gawin ang Metro Manila sa ating bansa. Higit na naging akma ang mga linyang Pinoy sa pelikula, na ngayon ay kasali sa pilian for the best foreign language film category in the 2014 Oscars.
Ano kaya ang laban ng Transit na lahok ng Pilipinas sa mga pelikulang gawa ng mayayamang bansa?
Makasali lang sa five finalists ang Transit, isang history triumph para sa Pinoy film industry.