Photographer saksi sa mga dinidekwat ng aktres na klepto tuwing may pictorial

Maraming kuwento ang kilalang photographer na ito sa mga artistang nakatrabaho na niya. Pero ang hindi niya makalimutan ay ang isang baguhang aktres na nakatrabaho niya na ang kakaibang sakit ay ang magnakaw ng kung anu-ano sa kung saang location sila may photo shoot.

Lahat nga raw ng kabaliwan ng mga artista ay nasaksihan ni photographer pero ang pagiging kleptomaniac ng aktres na ito ang siyang tumalo sa lahat ng attitude nang nakatrabaho niyang celebrities.

Ang kuwento nga ay tuwing nakakatrabaho ng photographer ang aktres (dahil in demand ito noon na maging cover ng mga magazine at kinukuha ito parati sa mga editorial shoot), inaabangan niya kung ano ang mga nanakawin nito sa location.

Sa tulong ng kanyang camera ay nakukunan niya ang bawat kilos ng aktres na klepto.

Mahilig magnakaw ang aktres ng mga maliliit na mga bagay tulad ng figurines, lapis, ballpen, letter opener, at hanggang sa mga stapler, paper clip, at stationary. Minsan ay medyo lumalaki rin ang trip nito tulad ng picture frame, ashtray, flower vase, throw pillow. Nadedekwat ng aktres ito kapag nagagamit na props sa kanyang photo shoots.

Hanggang ngayon daw ay palaisapan ng photographer kung saan dinadala ng aktres ang mga ninakaw nito. Mabuti na lang at hindi wallet o cellphone ang ninanakaw sa kanila dahil ibang level na ng pagka-klepto iyon.

Ngayon ay semi-retired na ang naturang aktres at may sariling pamilya na. Paminsan-minsan ay nakakagawa siya ng pelikula kapag nandito siya sa Pilipinas. Naisip ng photographer na baka nagamot na ang malikot na kamay ni aktres. Dahil kung hindi, baka nakulong na siya sa ibang bansa dahil sa pambihirang sakit niya. 

Mga pulitiko gusto ng tamang pagkilala sa Miss World

Dahil sa pagkapanalo ni Megan Lynne Young bilang kauna-unahang Miss World ng ating bansa, maraming mambabatas ang nagkaroon ng interes na bigyan ng tamang pagkilala sa actress turned beauty queen.

Kabilang dito ang House of Representative na pinangungunahan ni Leyte Rep. Fernando Martin Romualdez na nag-file ng resolution noong Sept. 30 “seeking to honor Young for being the first Filipina crowned in the beauty pageant’s history.”

Dapat lang naman na bigyan ng tamang pagkilala si Megan Young. Kung ang mga runner-up nga lang sa mga international pageant ay nagagawang parangalan at iparada sa kalsada, mas pa dapat si Megan dahil nakauwi siya ng korona na matagal nang inaasam ng mga Pinoy.

Show comments