Pinalitan na ng puro mga lalaki ang kasambahay ng dating sikat na aktor. Naiiskandalo kasi ang kanyang mga female D.H. kapag naghubad-hubad na ang artista. Ewan kung merong baklesh sa mga katulong niya.
Sobra na ang pagka-praning ng aktor kaya’t wala siyang pakialam kung nakabuyayang na ang buong katawan. Minsan, hindi napigilan, lumabas pa siya ng bahay in his birthday suit. Pilit na hinaltak siya ng male alalay para pumasok uli.
Sexy star mahirap nang bigyan ng trabaho, pagbubugaw na ang bagong career
Mahabag naman kayo sa dating sikat na sexy star. Wala siyang trabaho kaya napilitang maging boogaaloo. Kahit mga movie reporter, tinatanong niya kung may kilalang mga artista na puwedeng ibenta sa mga D.O.M.
Bago naman siya sumikat, sanay na sa pagtitinda ng aliw. NaÂging G.R.O. siya sa isang dinarayong nitespot, bago pumasok sa showbiz. Today, wala nang papatol sa kanya dahil ang naghahanap ng ligaya ay gusto na ng mga sariwang laman ang matikman.
Kung mabigyan siya ng role sa TV movie, magpakatino pa kaya?
Ang problema, walang nagtiwala sa kanyang isali sa mga projects. Bukod sa feeling sikat pa at laging late, utal nang mag-deliver ng linya sa sobrang bangag sa alak o durog sa bawal na gamot.
Megan nangako sa mga Pinoy na magiging best Miss World
Megan Young’s winning first Miss World crown for our country is a triumph of historic proÂporÂtions. Naghintay tayo ng 63 long years upang magkaroon ng isang Pinay na mag-uuwi ng korona.
Mananatili sa ating mga gunita ang panalo ni Megan Young sa maraming panahon, kahit siya’y may mga anak na o maging magka-apo pa.
Habang nakaluklok sa kanyang trono noong coÂronation night last Saturday, nangako siyang, “I will be the best Miss World ever.â€
In utmost humility, habang lumuluha dahil sa kaÂligayahan, pinasalamatan niya ang mga kapwa Pinoy, sa taus-pusong suportang ibinigay sa kanya.
Surely, Miss World Megan Young’s one-year reign will be a glorious and memorable one. GagaÂwin niya ang lahat upang patuloy nating ipagkapuri na tayo’y mga Pilipino.
‘Kuya Germs’ ng Canada dumidiskubre ng magagaling na singers
Hanggang sa Canada, merong counterpart si German “Kuya Germs†Moreno. Si Kuya Tony Surtida ang nagsimula ng talent search na Pinoy Singing Sensation sa buong Alberta na super ginaw na lugar sa nasabing bansa.
Nasa ika-apat na taon na ang singing contest and this year, si Chenee Morales ang tinanghal na champion. Pangarap ni Cheenee na makapunta sa ating bansa at makapagtanghal para sa kanyang mga kababayan dito.
Noli Me Tangere, unang Tagalog opera na mapapanood sa New York
Ang Noli Me Tangere ang first Tagalog opera na itatanghal sa New York City. Sinulat ito ng dalawang National Artists, sina Pelipe de Leon (musika) at Guillermo Tolentino (libretto), henyo sa nobela ni Dr. Jose Rizal.
Gagawin ang pagtatanghal sa purong Pilipino language sa Oct. 4, 5, and 6 sa Kaye Playhouse at Hunter College, NYC. Inaasahan na pati ang mga American ay manonood ng cultural event.
Pelikula ni Direk Lav mapapanood sa US cinemas
While Erik Matti’s On the Job is currently enjoying commercial and critical success with its mainstream exhibition in major USA cinemas, anoÂther Pinoy film, Lav Diaz’s Norte: Hangganan ng Kasaysayan, has sealed a deal for its American distribution in Cinema Guild, USA.
Norte is slated to shown in US territories next year.
Maja naniniwalang faithful si Gerald
Matibay ang paniniwala ni Maja Salvador na “hindi po taksil†ang kanyang steady na si Gerald Anderson.
Tinatawanan lang ng aktres ang patuloy na pagdadawit kay Gerald sa isang starlet na nakasama niya sa On the Job. Ang paniwala ni Maja, walang ibang trinabaho ang aktor kundi ang pelikulang On the Job.