Nora masayang natalo ng baguhan

MANILA, Philippines - Natutuwa ang Superstar na si Nora Aunor na may isang baguhang tumalo sa kanya sa CineFilipino filmfest, Teri Malvar, dahil sa magaling daw ito talaga sa pagkakaganap sa indie film na Ang Huling Cha-Cha ni Anita. Walang problema kay Guy ang bagay na ito. Sa rami ng award na hinakot na niya sa mga nakalipas na taon, poproblemahin pang tiyak ng kanyang yaya kung saan ba ilalagay sakaling nanalo uli ito.

Maganda ’yung may bagong nananalo ng award, sabi nga ng dakilang aktres, hindi naman siya lamang ang anak ng Diyos. Marami tayo.

Nagpapasalamat siya dahil puring-puri ang kanyang CineFilipino entry na Ang Kwento ni Mabuti. Isang indie movie na may moral lesson at magaling na aktingan.

Liza Lorena hindi Divi ang isinusuot

Walang kupas ang acting ni Liza Lorena. Saludo kami sa magagandang damit niyang gamit sa eksena ng Akin Pa Rin ang Bukas. Hindi tipong pang-Divisoria na pares ng suot tulad sa  ibang pumapapel na mayaman.

At least, may taste si Liza, alam niya kung ano ang isusuot sa bawat eksena. Dating beauty queen si Liza at whistle-bait figure talaga siya noong bagong labas pa lang sa Dahil sa Isang Bulaklak.

Jessy ayaw ng sakit ng ulo habang may career

Kabang-kaba si Jessy Mendiola dahil sa sobrang expectations sa kanya bilang bagong Maria Mercedes. Well, dumating din ang panahong hinihintay ng dalaga. Kaliwa’t kanan ang project niyang ginagawa ngayon, bukod sa mga commercial at endorsement.

Hindi tuloy niya napapansing atat na atat din sa kanya si Jake Cuenca. Ayaw daw ng sakit ng ulo ni Jessy kaya wa epek muna ang pagporma ni Jake at ibang Kapamilya guys.
Korek. Minsan lang dumating ang suwerte, iha, kaya grab the opportunity bago ang pag-ibig.                                                   

 

Show comments