MANILA, Philippines - Hindi namin nagustuhan ang patutsada ni Rosanna Roces kay Sen. Ramon “Bong†Revilla, Jr. na pautangin sana siya ng halagang P1.5 M para mabayaran ang danyos ng kaso niya sa GMA 7 tutal naman daw ay malaki ang nakulimbat ng senador sa kontrobersiyal na pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.
Ang ganitong statement ay uncalled for at in bad taste. Namomroblema na nga ’yung tao, ginagatungan pa.
Dapat sa ganitong pangyayari, magbigay ng moral support si Osang kaysa manlibak. Patama ba niya ito kay Jolo Revilla na iniwan ang anak niyang si Grace Adriano? Buwelta kaya ito ni Osang dahil hindi napunta sa kanya ang apong si Gab na hinahabol niya noon?
Paano pa maibabalik ni Jolo ang respeto sa kanya kung ginaganito ni Osang ang kanyang amang si Bong? Hindi ba man lang niya naalala ang kabutihan ng pamilya Revilla sa kanya?
Sa pinagdadaanan ng senador-aktor ngayon, marami pa rin namang nakikisimpatiya sa kanya at sumusuporta. Alam nilang malalagpasan niya ito. Alam nilang lilitaw din ang ulap ng karimlan at hahalinhan ito ng maaya at maliwanag na bukas.
Happy birthday po Sen. Bong at nawa’y pagpalain kayo ng Maykapal!
Jake biglang naging inspirado pagkatapos ng gay role
Sa katatapos na Sineng Pambansa: All Masters Edition 2013, pinakamalaki ang kinita ng pelikulang Lihis nina Jake Cuenca, Joem Bascon, at Lovi Poe, pumangalawa raw ang Otso. Siyempre pa, tuwang-tuwa sina Direk Joel Lamangan at Direk Elwood Perez. Sama na rin dito ang cast ng nasabing pelikula.
Si Jake ay tuwang-tuwa sa mga papuri sa kanya dahil nagmarka ang acting niya sa ginawang mapangahas na indie film. Ganun din si Vince Tanada sa Otso.
Sabi nga ni Jake, inspired siya ngayon bilang aktor. Meron din kasi siyang bagong teleserye, ang Maria Mercedes sa ABS-CBN, na kung saan ay inili-link din siya kay Jessy Mendiola.
“Masarap kasama si Jessy sa set at talagang bigay na bigay ang acting niya dahil first time niyang magta-title role. Kami naman ni Jason Abalos, supportive sa kanya dahil pareho namin siyang mahal,†pa-sweet na sabi pa ng aktor.
Isabelle kinokontra ang papuri
Kontra si Isabelle Daza sa mga nagsasabing mas magaling pa siyang umarte kaysa sa nanay niyang si Gloria Diaz sa Lihis.
“Hindi naman... magaling din naman ang nanay ko. Ibinigay din niya ang husay niya sa pelikula. Marami pa akong kakaining bigas para mapantayan siya. Marami pa akong acting workshop na pagdaraanan para marating ang na-reach ng aking mother,†pahayag ng model turned actress.
Ito lang ang masasabi namin. Hindi mo kontrolado ang press, Isabelle. Kung mas nagagalingan sila sa iyo kaysa sa nanay mo, bakit ’di mo na lang tanggapin?