Nora tinalo sa aktingan ng trese anyos!

Tinalo si Nora Aunor para sa best actress award ng isang 13-year-old newcomer sa CineFilipino Film Festival Awards Night na ginanap sa Genting Club ng Resorts World Manila sa Pasay City sa kasagsagan ng ulan noong Linggo ng gabi. Si Teri Malvar ng pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita ang tumalo sa performance ng Superstar sa kanyang entry na Ang Kuwento ni Mabuti.

Nagulat ang batang aktres nang tawagin ang pangalan niya bilang winner. Malakas kasi ang bulung-bulungan ng linggong iyon na si Ate Guy ang mananalo.

Napanalunan din ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita ang best supporting actress for Angel Aquino, best acting ensemble, at best film na naka-tie nito ang pelikula ng Superstar.

Ang iba pang napanalunan ng Ang Kuwento ni Mabuti ay best screenplay at best director for Mes De Guzman.

Ang pelikula ni Ate Guy ang naging top grosser ng CineFilipino Film Festival kaya mae-extend pa ito ng isang linggo.

Heto ang complete list of winners:

Best Film: (tie) Ang Kuwento ni Mabuti and Ang Huling Cha-Cha ni Anita; Best Director: Mes De Guzman (Ang Kuwento ni Mabuti);

Best Actor: Karl Medina (The Guerilla is a Poet); Best Actress: Teri Malvar (Ang Huling Cha-Cha ni Anita); Best Suppporting Actor: Bong Cabrera (The Guerilla is a Poet); Best Supporting Actress: Angel Aquino (Ang Huling Cha-Cha ni Anita);

Best Screenplay: Mes De Guzman (Ang Kuwento ni Mabuti);

Best Sound: Mark Laccay (Puti);

Best Musical Score: Raffy Magsaysay (The Guerilla is a Poet);

Best Film Editing: Keith Sicat (The Guerilla is a Poet);

Best Production Design: Rious Caliso (Puti);

Best Cinematography: Roberto Yniguez (Puti);

Best Short Film: Ligaw;

2nd Short Film: Logaritmo;

3rd Short Film: Sangandaan

Charice ititira na si Alyssa

sa bagong biniling bahay

sa 1st anniversary

Next month na pala ang first anniversary ng relasyon nina Charice at Alyssa Quijano. Nagkakilala sila last year sa franchise ng ABS-CBN ng reality-singing contest na The X-Factor Philippines.

Isa si Charice sa mga naging judge kasama sina Pilita Corrales, Martin Nievera, at Gary Valenciano. At naging solo contestant doon si Alyssa pero hindi naman sinuwerte na manalo.

Pagkatapos ng halos isang taon na pakikipaglaban sa kanilang relasyon, hindi nga makapaniwala si Charice na magse-celebrate na sila ng kanilang first anniversary.

May binili na raw na bahay si Charice sa Cabuyao, Laguna at doon na sila titirang magkasama ni Alyssa.

Hindi naman kaila sa publiko na hindi naging sang-ayon ang pamilya at kamag-anak ni Charice sa kanyang mga naging desisyon sa buhay. Lalo na ang ina niyang si Raquel Pempengco na nakatampuhan niya ng matagal.

Ngayon daw ay mas maayos na ang relasyon nilang mag-ina. Mas nakakapag-usap na sila at hindi na sila nag-aaway. Wish ni Charice na maging okay na sila ng tuluyan ng kanyang ina.

Sa Sept. 28 na ang concert nila ni Aiza Seguerra sa Smart Araneta Coliseum na tinawag nilang The Power of Two (The Unbreakable Tour).

Tulad ni Charice ay may masayang love life din si Aiza at ang girlfriend niya ay ang former beauty queen turned indie actress na si Liza Dino.

Reality star nabuwisit sa photographers na trespassing na sa pamamahay, pinaputukan ng baril

Hindi itinanggi ng former reality star na si Jon Gosselin na nagpaputok siya ng baril para takutin ang mga photographer na nagte-trespass sa kanyang property sa Pennsylvania. Pero depensa ni Jon ay warning shot ang kanyang pinaputok at hindi siya nagsisisi na ginawa niya iyon.

“I am licensed to carry a concealed handgun which I withdrew and used to fire a warning shot away from the paparazzi.

“It is well within my rights under Pennsylvania law when someone is trespassing on private property,” diin ng 36-year-old former reality star.

Nakilala si Jon dahil sa reality show na Jon & Kate Plus 8 kasama ang kanyang misis na si Kate Gosselin at ang walo nilang anak. Pero nauwi sa hindi magandang paghihiwalay ang mag-asawa at nag-divorce sila noong 2011.

Pinabulaanan naman ni Jon na wala na siyang pera at nagtatrabaho na lang siya bilang isang waiter.

Ang pinaputukan na photographer ay nagpa-file ng police report pero hindi na raw concern iyon ng dating reality star.

Show comments