Edward Mendez biglang pinagpapantasyahan!­

MANILA, Philippines - Saglit na napawi ang association ni Edward Mendez kay Vicki Belo dahil sa pagbuking ni AiAi delas Alas sa pagkakaroon ng big “bird” ng aktor na kung fu trainer ang role sa Kung Fu Divas ng komedyana at ni Marian Ri­vera.

Reluctant actor kasi si Edward na nakasama na si AiAi sa Pinay Pie. Kung one of those lang siya sa movie, this time, full-pledged star na siya sa movie ng dalawang higante sa showbiz, huh! But still, nakadikit pa rin sa kanya ang name ni Dr. Belo na bahagi ng Sexy Fitness ng doktora.

Sa totoo lang, accidental lang ang pagkakapili kay Edward sa Kung Fu Divas. Galing sila sa ba­kas­­yon noon at nagsisimula nang mag­syuting sina AiAi at YanYan. Dumiretso siya sa audition na ipinatawag ni Direk Onat Diaz and presto, siya ang pinag-aagawan ng dalawang bida sa movie!

Eh sa pagbuking ni AiAi sa “bird” ni Edward, sure na dadami ang magpapantasya sa kanya na baka ikaloka na naman ni Doktora Vicki!

Atty. Joji saksi sa pagod at milyong gastos sa Oscars ng mga napapasaling pelikula

Dehado na naman ang entry ng bansa sa foreign language cate­gory sa Oscars na Transit. Ito kasi ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) upang ma­ging kalahok next year. ’Yun nga lang, hanggang pagpili lang ang ginawa ng FAP dahil wala namang financial assistance ang bansa pagdating sa gastusin sa promotions ng movie sa Amerika.

Ang entry naman ng Singapore sa Oscars ay ang Ilo-ilo na nanalo na sa Hong Kong Film Festival. Bida rito ang isang Pinay na yaya. Dahil mayaman na bansa ang Singapore, may perang nakalaan upang mapanood ito ng members ng Aca­demy Awards.

 

 

Show comments