Marian manghihiram ng singsing ni AiAi na panlaban sa negative vibes

Stranded sa Naga City because of bad weather si Marian Rivera at ang mga host na sina Bettina Carlos at Boobay kahapon. May Kapuso Fans Day sa Naga City last Sunday, Sept. 23 sina Ma­rian, kasabay ng celebration ng Peñafrancia Festival. Ayon sa report, may 15,000 fans came to see and meet the Kapuso Primetime Queen sa Plaza Quezon. Jampacked ang lugar at iyon daw ang biggest crowd in an open venue na umabot ang mga tao hanggang sa malapit na Rizal Park at kinailangang isara ang General Luna at Elias Angeles Streets. Overwhelmed ang tatlo at ang GMA Team sa ipinakitang suporta ng mga Bikolano dahil sa kabila ng malakas na ulan, nakapayong ang lahat at hindi sila iniwanan hanggang matapos ang show na nag-promote rin si Marian ng coming movie nila ni AiAi delas Alas, ang Kung Fu Divas.

Yesterday morning natapos ang three-day guesting nina Marian at AiAi sa Kris RealiTV. Bago natapos ang show, nagpasalamat si AiAi sa kaibigang host sa ibinigay nito sa Comedy Concert Queen na isang ring may Aquamarine stone, panlaban daw sa negative vibes. Tanong ni Marian, puwede raw ba niyang hiramin para mawala ang mga negative sa buhay niya?

Sagot ni Kris, “Kung ako ay kasing ganda at kasing seksi mo, ibato na ninyo lahat sa akin, mahal ko pa rin kayo.”

Nasa Dubai si Marian sa GMA Pinoy TV show from Sept. 25 to 29 pero na­rito na siya sa premiere night nila ng Kung Fu Divas sa SM Megamall sa Oct. 1.

Dominic ayaw mag-GF para hindi makasakit

Starstruck si Dominic Roco sa katambal na si Heart Evangelista sa afternoon prime drama series nilang Magkano Ba ang Pag-ibig? tuwing kaeksena niya ang bida. Nahihirapan daw siya lalo na at from may autism na character niya dapat ay ginawa siyang mentally challenged na ang isip ay naiwanan sa isang seven-year-old boy. Ito na raw ang pinaka-challenging role na ginampa­nan niya pero siguro raw kapag matagal na silang magkaeksena ni Heart, masasanay na rin siya. 

Biniro tuloy namin si Dom na baka may crush siya kay Heart kaya gano’n. Napangiti siya, aware naman siya na may boyfriend na ang aktres. 

Wala pa ring girlfriend si Dom, ayaw daw niya kasing makasakit. Nakita niya what his mom went through nang iwanan sila ng daddy niya. Never naman nilang hindi tinanggap sa bahay nila ang ama at nag-uusap naman sila ng mother niya. Napatawad na rin niya ang ama sa ginawa sa kanila dahil tatay niya ito. At ngayon, happy na siya kung saan happy ang ama. Hindi pa ngayon pero puwede rin siyang magkaroon ng sariling family. 

Hindi naman itinanggi ni Dom na may short-lived relationship sila ni Maxene Magalona pero hindi totoo na naging sila ni Sheena Halili noong ginawa nila ang Indio.

Sa Monday, pagkatapos ng Mga Basang Sisiw mapapanood na ang Magkano Ba ang Pag-ibig? na nasa cast din sina Celia Rodriguez, Sid Lucero, Isa­bel Oli, Katrina Halili, Alessandra de Rossi, Ana Capri, Shamaine Buen­camino, Luz Valdez, Vangie Labalan. Sa direksiyon ito ni Maryo J. delos Reyes.

Show comments