Mama Salve, lumabas ako ng bahay kahapon kahit masuÂngit ang panahon dahil sa birthday asalto namin para kay Sen. Bong Revilla, Jr.
Siyempre, nasorpresa si Bong nang makita niya ako at ang aking mga kasama. Hindi niya inaÂaÂsahan na dadayo ako sa Imus, Cavite para batiin siya ng advance happy birthday.
Si Rep. Lani Mercado ang kakuntsaba namin para sa surprise asalto sa kanyang mister. Nagdala kami ng mga pagkain gaya ng cake, pansit, barbeque, at ang pagkasarap-sarap na empanada na gaÂwa ng cook ni Councilor Rowena Mendiola, ang kapatid ni Bong.
Nagtagal kami sa bahay ng mga Revilla sa IÂmus dahil napasarap ang aming kuwentuhan habang nilalantakan namin ang masasarap na pagkain.
Ang original plan, yayayain ni Lani si Bong na pumunta sa bahay nila sa Cavite ng 2:30 p.m. Naloka si Lani dahil alas-dose pa lang, nagyaya na si Bong na umuwi sila sa Imus dahil may meeting pa siya at ang kanyang staff.
Aligaga si Lani sa pagbabago ng plano. Hindi niya matawagan sa cell phone ang kanyang mga kakuntsaba dahil magkatabi sila ni Bong sa loob ng sasakyan. Puro text ang ginawa niya dahil mariÂrinig ni Bong ang usapan kung magtatawag siya sa cell phone.
Kumpleto ang mga kapatid at anak ni Bong sa surprise birthday asalto sa kanya. Kahapon ko lang uli nakita si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
In fairness kay Jolo, pumayat na siya. Hindi totoo ang tsismis na lumobo ng husto ang kanyang katawan. Umapir din kahapon sa asalto si Cavite Gov. Jonvic Remulla.
Dumalo rin sa asalto ang mga executive ng GMA 7 na love na love si Bong. May mga bitbit din sila na masasarap na pagkain.
Sen. Ramon matalas pa ang memorya
Bago kami umuwi, dumaan muna kami sa bahay ni former Sen. Ramon Revilla, Sr. Hangang-hanga ako sa rosy cheeks ni Mang Ramon na past 80 na ang edad pero ang kinis-kinis pa rin.
Tuwang-tuwa si Mang Ramon nang makaharap niya kami. Matalas pa rin ang memorya ni Mang Ramon dahil natatandaan niya ako at ang pangalan ng mga kasama ko.
Mark may kanta na dedicated sa espesyal na tao
Ang album ni Mark Bautista ang pinatugtog ni Gorgy Rula sa kanyang sasakyan habang papunta kami sa Imus.
Ang ganda-ganda ng boses at ng mga kanta ni Mark. Naging insÂtant fan niya ako. Naalaala ko tuloy nang mag-guest siya noon sa Startalk. Bigla akong tinalikuran ni Mark nang itanong ko sa kanya ang title ng kanta mula sa kanyang album na dedicated niya kay... Bahala na kayo na mag-fill in the blanks ’no?
Wala akong intensiyon na mang-intriga. Bilib na bilib lang talaga ako sa napakagandang singing voice ni Mark.