Nananawagan kami sa mga kaibigan at kasamahang artista sa teatro ni Frank Rivera and to those people whose lives were touched by the award-winning playwright and author. Isang fund-raising concert ang itatanghal sa Emilio Aguinaldo College (Taft Avenue, Manila) on Oct. 18 para makalikom ng pera, to pay hospital bills worth P1.2 million.
Nakabayad na si Frank ng P700,000 at ang baÂlance lang ang dapat mabuo, sa nasabing pagtatanghal na tatampukan ng kanyang mga kapwa theater artist at iba pang performer.
Nalungkot kami ng mabalitaan na may lymphoma si Frank, isang uri ng blood cancer. Nagsimula siyang mag-chemo therapy noong April this year.
Sumikat si Frank Rivera noong itatag niya ang Sining Kambayoka sa Mindanao State University, although tubong Laguna siya at nagtapos sa U.P. Nakasulat siya ng mahigit 20 libro ng mga stage play, kasama ang Mga Kuwentong Maranao, kung saan galing ang karamihan ng Sining Kambayoka presentations.
Ang sikat na theater group ay nakapagtanghal na sa buong bansa, pati sa ibang panig ng mundo, at nagwagi ng maraming awards.
Nakasama namin si Frank bilang chairman ng screening committee ng Aliw Awards ng ilang taon. Siya mismo ang nagti-text sa amin, with matchÂing poem message. Kahit wala na kami sa Aliw, tuloy ang text o tawag sa amin ni Frank.
Na-miss ko ang kanyang mga text (poetry) message nang mawala ang aking dating cell phone.
Tuwing nagkakaroon ng mga pagpili ng National Artist awardees, inaabangan namin ang pangaÂlang Frank Rivera. Very deserving siyang mahirang na Pambansang Artista ng Sining sa rami ng kanyang kontribusyon in theater arts and Pinoy liÂterature.
Please call Arthur Casanova para sa detalye ng fund-raising show at 0917-8231499.
Zanjoe nako-conscious sa sariling video
Ipinagtanggol ni Zanjoe Marudo ang mga kapwa artistang involved sa mga kumalat na sex video.
‘‘May kanya-kanyang fantasy at kaligayahan ang iba’t ibang tao,’’ the actor justices.
Sinabi pa ni Zanjoe na never niyang kukunan ang intimate moments with his partner: “Hindi ko ma-imaÂgine ang sarili ko na bida sa ganoong palabas.’’
It was as good as saying na never silang magkakaroon ng intimate footage ni Bea Alonzo. Kahit kasi sa mga maselang eksena sa pelikula o teledrama, nako-conscious na si Zanjoe, magpakuha pa o kunan ang sarili sa higit na mga revealing scene.
Transit kailangan ng milyones na tulong para sa Oscars
Kung hindi rin lang masusuportahan ng Department of Tourism at Film Development Council of the Philippines ang Transit na lahok natin sa best foreign language film category sa 2014 Oscars huwag na lang tayong magpadala ng entry.
Mahirap kasi ang basta mangarap at umasa lang na mapipili among the five finalists. First time sana mangyayari ito sa kasaysayan ng pelikulang Pinoy, pati ng buong bansa.
Ang kailangan ay milyones para sa kampanya, pagho-host ng mga party at screening para sa mga Oscars member na qualified voters at pati paglalagay ng mga full-page print ads sa mga film journal magazine. Kung puwede pati paglalagay ng malalaking billboard sa buong Los Angeles, California!
Super laking budget ang kailangan. Sana ang maliit na portion na hindi ipamimigay na pork barrel fund para sa mga lawmaker next year ay maisalin as Oscars campaign fund ng Transit.
Para maka-afford naman ang industriya ng pelikula na magpadala roon ng Pangkat Kawayan Band, Bayanihan Dancers, at marami pang performers para mang-akit ng mga Oscars voter sa mga barrio fiestang ibibigay ng Transit group.
Kung kulang din lang sa suporta, huwag na silang mag-aksaya ng panahon. Magmumukhang kawawa lang sila sa Hollywood.
Mananatiling isang imposibleng panaginip ang magkaroon ng Pinoy finalist sa Oscars.