Alden si Marian talaga ang gustong makasama

“Short, short, shorts po ang isusuot ko sa pagrampa ko (sa Cosmo Bash sa September 24 sa World Trade Center),” nakangiting wika ni  Alden Richards sa pocket interview sa kanya. â€œIto na ang second at last time na rarampa ako, tapos pahinga na muna ng mga two to three years. Alam ko pong mataas ang expectations ng mga manonood kaya hindi ko sila bibiguin, marami akong maipakikita, hindi ko ito pinaplano, gagawin ko on the spot. Kinakabahan ako pero ii-enjoy ko na lamang ang pagrampa.”

Kasama ngang rarampa ni Alden ang may 69 Cosmo Bachelors, matapos niyang maging cover, double cover, sila ng another Kapuso actor na si Tom Rodriguez ng Cosmo Men magazine. May time pa rin si Alden na ma-achieve ang 6 packs abs niya dahil naka-loose na raw siya ng seven lbs. after ng taping ng katatapos nilang successful drama series na Mundo Mo’y Akin. Nakapag-shoot na rin sila ni Louise delos Reyes ng isang TV international commercial. As to his next project, wala pa raw sinasabi sa kanya, pero kung tatanungin siya, ano ang gusto niyang concept ng show at sino ang gusto niyang makatambal? Gusto pa rin daw niya ang drama pero sana may konting action. Number one sa gusto niyang maging next leading lady, si Marian Rivera. Isa raw honor sa kanya na makaeksena ang one of the biggest in the industry. 

Gusto rin ni Alden makatambal si Barbie Forteza na tinatawag niyang ‘Madam’ dahil nakikita raw niyang mahusay itong umarte. Gusto rin niyang makasama muli si Lauren Young. As to his love life, nasa paghahanda pa raw siya sa future niya at ng kanyang family, dahil gusto niyang makabili ng bagong bahay sa Sta. Rosa, Laguna pa rin dahil nasanay na silang manirahan doon, pero sa lugar na hindi na sila aabutin ng baha. Wala pa siya sa point na papasok sa isang serious relationship.

Yasmien ayaw muna uling mabuntis

Muli palang pipirma si Yasmien Kurdi sa GMA Network. Nagpasalamat siya sa tiwalang ibinigay sa kanya nang tawagan siya para gumanap na ina nina Krystal Reyes, Joyce Ching, at Barbie Forteza sa AnnaKareNina. Ayaw ding aminin ni Yasmien kung sino ba sa tatlong teens na tunay niyang anak. Sa ngayon, pinaghahandaan din niya ang pagri-record ng songs for another album sa GMA Records na makukuha na rin sa iTunes. Bukod sa soap, gustong i-try ni Yasmien ang pagiging TV host.

Thankful siya sa husband niya na very supportive sa kanyang pagbabalik-showbiz kaya naman, patuloy siyang nagpapaganda ng katawan sa pamamagitan ng zumba at juice drink diet niya. When asked kung kailan ba nila susundan si Ayesha Zarah, hindi pa raw dahil gusto muna niyang i-enjoy ang anak who will turn one year old pa lamang sa November 22.

Show comments