Jake wala nang paki kay Bea

Todo-ngiti na si Jake Vargas at may style na uli ang buhok niya, kuntodo ang brush-up look na sign na naka-move on na ang bagets sa breakup nila ni Bea Binene. Kaya parang nadagdagan tuloy ang height ng young actor dahil sa nakataas niyang hairstyle.

Kung si Bea ay binabakuran ni Ken Chan, si Jake naman ay pinapaligiran na uli ng friends niyang chicka babes. At ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol kay Bea. Mukhang burado na ang ex-girlfriend dahil lantarang enjoy na nga naman si Bea kasama si Ken.

Pero go pa rin si Jake sa mga bonding ng team niyang Instagang ng Sunday All Stars (SAS) ng GMA 7 at ka-grupo rin niya ang ex-GF. Pinaiiral pa rin niya ang pagiging professional sa bonding ng grupo sa paglalaro nila ng bowling na sa Eastwood sila nagkikita-kita.

Civil lang si Bea dahil officially ay sila pa rin ng ex-BF ang magka-love team.

Mukha namang nakaabang na magkalamat na nang tuluyan ang love team nina Jake at Bea dahil may blessings ang GMA Network sa ilalabas sa duet album nina Ken at Bea. Sign na rin kaya ito na unti-unti nang paghihiwalayin ang love team nila ng teen actress?

Hindi kaya ma-hurt si Jake sa duet ng dalawa na isa sa mga kanta ay Bakit Ngayon Ka Lang? Pero may kanya-kanya rin silang solong kanta sa 10 tracks na karamihan ay original songs ng grupong Boyfriends.

Ang PolyEast Records ang magri-release ng album dahil dito unang nakapirma ng kontrata si Bea at hindi sa GMA Records.

Pinalampas lang daw kasi ang ghost month pero buo na ang album na may title na Dito sa Puso Ko…Bea.

Consistent si Ken na enjoy lang siya sa friendship nila ni Bea na una raw niyang naging close pagpasok niya sa GMA 7. Kahit kitang may glow sa kanyang mga mata tuwing binabanggit ang pangalan ni Bea, say niya ay inspired lang daw siya sa mga positive na support sa kanya ng pamilya at fans, pati na rin ang blessings na natatanggap niyang trabaho sa Kapuso Network. Kaya unfair daw na sabihing ginagamit lang niya si Bea para mapansin siya. Nagsisikap naman daw kasi siya sa sarili niyang effort.

Pinay contestants sa World Supermodel rarampa na

Ngayong gabi na malalaman kung sino ang tatanghaling World Supermodel na pinarampa muna ang 22 contestants last Thursday sa press presentation sa L’Opera Ristorante Italiano sa Fort Bonifacio, Global City.

Gagawin ang coronation night sa The Amazing Philippine Theater na dating Manila Film Theater sa Cultural Center of the Philippines Grounds sa Pasay City.

Bongga ang magwawagi dahil rarampa ito sa Queensland, Australia ngayong November na gagawin ang World Supermodel 2013 International Pageant.

Meron ding cash prize na siyempre ay package deal na ang nakaabang na modelling career at pagbibigay ng honor sa ating bayang magiliw kapag nag-shine ang Pinay lalo  na sa international pageant.

 

Show comments