MANILA, Philippines - Mukhang may gusto si Eugene Domingo sa Japanese leading man niyang si Yuki Matsuzaki sa Instant Mommy. Aba, siya pa ang nagtuturo rito ng Tagalog! Kahit mga kabaklaang salita ay itinuturo niya gaya ng echos lang, kadiri, at nota.
Ewan lang namin kung malaki ang nota ni Yuki. Alam naman natin ang mga Hapon, kasing laki ng sigarilyo o lighter lang ang nota!
Teka, bakit hindi na lang nila kinuha si Akihiro Sato sa nasabing pelikula? Si Akihiro na Brazilian-Japanese ay malaki talaga ang sandata. Napanood namin siyang nag-briefs sa Bench show. Mukhang delicious siya talaga!
KC totoong luha ang tumulo
Guessing game kung bakit napaluha si KC Concepcion sa birthday ng stepfather niya, Sen. Kiko Pangilinan. Dahil ba si Gabby Concepcion sana ang dapat naroon noon? O talagang napakabait ni Kiko sa kanya?
Puwede ring nawala na ang teleserye niyang Huwag Ka Lang Mawawala kaya cry me a river siya. Doon lang napansin ang acting niya eh!
At any rate, real tears ang iniluha ni KC at hindi acting iyon.
Rufa Mae mas bagay magpatawa
Mabilis na nawala sa mga sinehan ang Ang Huling Henya ni Rufa Mae Quinto.
Bakit hindi nag-click sa masa si Henya? Hindi raw kasi bagay kay Rufa Mae na mag-action star! May mga eksena pa na halos ipakita niya ang kanyang boobs pero lihis ito sa kuwento ng paghihiganti sa pumatay sa kanyang mga magulang.
Dapat magbalik na lang siya sa pagiging sexy commedienne dahil doon siya nakilala.