Kahapon ay umamin na si Derek Ramsay sa online showbiz website na sila na ni Cristine Reyes noong Wednesday pa. Pero sa presscon ng Bukas na Lang Kita Mamahalin last Wednesday night ay hindi pa ito maamin ng aktres.
“Puwedeng bigyan n’yo muna ako ng time ate, kasi hindi ko pa alam kung paano ko sasagutin ’yan sa ngayon dahil gusto ko, ’pag magsasalita ako, ’yun na.
“Kasi ’pag sinabi kong friends pala ’tapos nalaman n’yo na ano na, alam n’yo ’yun? Gusto ko kasi kapag may sasabihin ako, siguÂrado na?†sabi ng seksing leading lady ni Gerald Anderson.
Itineks naman ni katotong Reggee Bonoan si Derek at umamin naman ito agad. Ang term na ginamit ng aktor tungkol sa pagkakaroon nila ng relasyon ay “completely unexpected.â€
Anyway, natutuwa ang aktres na balik-primetime siya via Bukas na Lang Kita Mamahalin matapos ang huli niyang seryeng Dahil sa Pag-ibig last year.
Dito ay gagampanan naman ni Cristine ang papel na Amanda bilang babaeng nagmamahal sa karakter ng bilanggong si Gerald.
Ito rin ang pagbabalik ni Gerald sa primetime after his teleserye na Budoy.
Magsisimula na ngayong Lunes, Sept. 2 ang drama series at kasama rin dito sina Diana Zubiri, Dina Bonnevie, Dawn Zulueta, at Tonton Gutierrez, mula sa direksiyon ni Jerome Pobocan and Trina Dayrit.
Jake at Joem parehong nadala sa love scene
Kontrobersiyal na kontrobersiyal ngayon ang love scene nina Joem Bascon at Jake Cuenca sa indie film na Lihis na produced ng Film Development Council of the Philippines at BG Productions International.
In fact sa YouTube kung saan puwedeng mapanood ang trailer ay umaabot na sa 300,000 ang views nito as of last Wednesday.
But more than the love scenes, puring-puri ng mga nakapanood na sa preview ng movie ang dalawang aktor sa kanilang portrayal sa mapangahas na pelikulang ito about homosexuals.
Sa presscon last Wednesday na ipinatawag ng Star Magic for Joem and Jake, parehong masayang-masaya ang dalawang aktor sa napakagandang feedback ng mga tao sa pelikula.
“Nagpapasalamat na ako talaga sa lahat ng tao,†say ni Jake. “Kasi naging maingay ang movie virally without any publicity whatsoever. I mean, we weren’t shown on TV, not even once, but you know it all started in YouTube and all of a sudden, it became such a big fuzz and you know it’s really all the people, lahat ng mga tao na nanood, nag-comment, nag-tweet, nag-Instagram. Thank you so much kasi with every comment, with every tweet, I really became more confident and more excited for them to see the movie.â€
Kung bakit nila parehong tinanggap ang pelikula kahit alam nilang kinakailangan nilang magkakaroon ng love scenes sa pagitan nila, ayon kay Joem, it’s the story na talagang nakapag-decide sa kanya na tanggapin ang pelikula.
“Siguro, may time talaga sa isang aktor na gustung-gusto mo talagang gumawa ng film na mayroong social relevance. ’Yung makakaarte ka na may mensahe kang mai-impart sa mga tao, kundi sa mga tao, sa mga kabataan.
“’Yung message tungkol sa third sex, gusto kong maging medium ng mensahe para sa mga tao. This is really, really a hard role but at the same time may message nga na gustong ipahatid sa mga tao tungkol sa third sex,†sabi ni Joem.
Say pa ng aktor, after this, siguro raw kahit ano ang ipagawa sa kanya ay magagawa na niya.
Ayon naman kay Jake, boring para sa isang artista kung pare-pareho lang ang ginagawa at ang pelikulang Lihis ay isang napakalaking challenge sa kanya dahil hindi pa raw niya ito nagagawa sa 10 years niya sa showbusiness.
Pabirong natanong nga ang dalawa kung hindi ba sila nag-init kahit paano habang ginagawa nila ang love scenes at natawa sila.
“Oo nag-init kami kasi mainit ang panahon nung ginagawa namin ’yun,†natatawang sabi ni Joem.
Ang Lihis ay mapapanood na exclusively sa lahat ng SM CineÂmas sa Sept. 11-17.