MANILA, Philippines - Nagpipigil lang sa damdamin nila sa isa’t isa sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales na muling magkapareha sa afternoon prime ng GMA na Pyra, Babaeng Apoy. Nakatanim pa rin kasi sa utak ng dalawa ang payo ni Gina Alajar nung Protégé days nila na unahin ang career bago ang puso.
Mas open nga lang si Jeric sa feelings niya kay Thea tuwing naÂkakausap ng press. IsinaÂalang-alang niya ang atensiyon ng ka-love team sa career kaya nagÂpiÂpiÂgil na lang muna siya sa damdamin niya. Upang manatili araw-araw ang utak ni Thea sa kanya, isang unan ang niregalo niya sa young star.
“Para maalala niya ako palagi. Hahaha!†rason ni Jeric nang aÂming makausap.
Bilang ganti naman, isang special birthday card na may bonggang dedikasyon ang regalo ni Thea kay Jeric, huh!
Of course, hindi na bago sa showbiz ang mga rason na, “We’re just friends.†Kaya ibigay na lang natin sa kanila ang chance na maging de-kahon na rin ang mga sagot.
Sikat na aktor naging de-kahon, pinasusunod ng management
Iritable na rin ang ilang reporters sa mga de-kahon na sagot ng isang sikat na aktor. Nawala na raw ang candidness nito sa pagsagot sa mga maiintrigang tanong na may mga sound bite ang kanyang binibitawang statement.
Isinisisi ng mga writer sa management nito ang pagbabago ng aktor. Kung hindi nagpapaliguy-ligoy sa sagot, mariing, “No comment†naman ang tugon niya sa mga itinatanong.
Kaya naman nawawalan ng gana ang ilang wriÂters na kausapin siya dahil nati-turn off ang mga ito sa kawalan ng makuhang pang-attract ng readers sa mambabasa nila.
Gary V. gagamitin ang concert para mag-fund-raising
Magsisilbing venue ng fund-raising event ang Tuesday Nights With Gary V. ang TeaÂtrino’s Greenhils, San Juan City na siniÂmulan nitong Martes nung makansela ang naka-schedule na show ng Total Performer.
Naging responsive kasi ang tawag ni Gary V. kasama ang asawang si Angeli Valenciano nang humingi sila ng donations. Mahigit P100K ang nalikom nilang halaga in cash and pledges.
Ngayong humupa na ang haÂbagat, tiyak na mas darami pa ang may mabubuting loob upang tumulong sa nasalanta nating kababaÂyan.
Jose Manalo naiwan ng Dabarkads pa-HK, malaking bond hinihingi sa korte
Hong kong-bound ngayong umaga ang ilang Eat Bulaga Dabarkads. Bahagi ang biyahe nila ng selebrasyon ng 34th anniversary ng longest running noontime show. Prior to that, nagkaroon na ng salu-salo ang mga empleyado ng programa matapos ang misa.
Hindi makakasama sa biyahe sina Jose Manalo at Wally Bayola dahil sa previous commitment nilang show tonight sa Zirkoh Comedy Bar sa Quezon City. Bukod doon, malaki-laking bond sa korte ang dapat ilagak ng TAPE, Inc. bago makabiyahe si Jose.