Ariel Rivera, may dalawang pamilya

MANILA, Philippines - Tatay na may dalawang pamilya--isa ay nasa Albay at ang pangalawa ay nasa Bacolod--ang karakter na bibigyang buhay ng award-winning actor na si Ariel Rivera sa family drama episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Agosto 24).

Paano nabaon sa limot ni Eddy (Ariel) ang unang pamilyang pinangakuan niyang iaahon sa kahirapan?

Kasama ni Ariel sa MMK ang bagong Kapamilya star na si Ynna Asistio, Sheryl Cruz, Trina Legaspi, Marco Gumabao, John Wayne Sace, Karen Reyes, JB Agustin, Joseph Bitangcol, Alfred Labatos, Marissa Sanchez, Matthew Mendoza, Jong Cuenco, Louella de Cordova, Celine Lim, Jed Montero, Erin Ocampo, at Arnold Reyes. 

Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat nina Benjamin Benson Logronio, at Arah Jell Badayos, at direksyon ni Raz De la Torre.

Huwag palampasin ang panibagong family dramang aantig sa puso ng lahat sa Maalaala Mo Kaya (MMK), tuwing Sabado, pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

Show comments