Nilinaw ni Ms. ShirÂley Kuan, manager ni Ms. Helen Gamboa, ang maling nasulat na may demands daw ang mahusay na actress sa GMA 7 kaya hindi na ito tumuloy sa sinimulang primetime drama series na Akin Pa Rin ang Bukas.
Mali rin ang nasulat na kahit daw may nakahandang bagong kontrata at bagong teleserye sa ABS-CBN for Helen, lumipat pa rin ito at pumirma ng exclusive contract sa Kapuso Network.
“Wala silang project ready for Helen. Kaya nagpaalam kami dahil matagal na ring may offer ang GMA sa kanya. Nagustuhan ni Helen ang concept ng project sa kanya kaya nagsimula agad siyang mag-taping after ng story conference. Wala rin kaming demands sa GMA dahil hindi pa namin hinihingi, ibinigay na nila.
“Yes, naka-three weeks na rin siya ng taping kay Direk Laurice Guillen pero nagulat siya nang paggising niya one morning ay feeling niya umiikot ang kanyang room kaya dinala agad siya sa hospital. Vertigo at may asthma pa ang findings sa kanya. Hindi siya puwedeng mapuyat, hindi rin puwedeng mainitan. First time niyang nalaman kung ano ang vertigo at ang hirap din pala ng sakit na ito dahil maraming bawal. Kaya hindi siya puwedeng magtrabaho hanggang walang go signal ang doctor niya.
“Kami nga ang nahiya sa GMA dahil hinihintay pa sana nila si Helen kung kailan siya puwedeng magtrabaho pero kailangan niyang magpahinga habang tini-therapy siya kaya kami na ang nagsabi na palitan na siya dahil ayaw naman naming masira ang kanilang time table dahil hinihintay nila si Helen.
“Kaya nangako kami na once na puwede na siyang magtrabaho muli, gagawa siya ng panibagong project sa GMA 7. Gusto ko ring ituwid na wala akong ibang nakausap tungkol sa issue na ito kaya sana huwag magsinungaling ang nagsulat na may source siyang pinagkunan ng sinulat niya,†paglilinaw ni SK sa amin.
Derrick nangangarap magkaroon ng sariling foundation
Congratulations to Derrick Monasterio. Si Derrick at si Charee Pineda ang dalawang Kapuso stars na napiling Young Filipino Achievers for Entertainment and Arts ng Golden Globe Annual Awards na gaganapin sa Manila Hotel on Sept. 29.
Nag-celebrate ng kanyang 18th birthday si Derrick sa piling ng mga kabataan na nasa pangangalaga ng Nayon ng Kabataan sa Addition Hills, Mandaluyong City last Sunday, Aug. 18, sa kabila ng malakas na ulan. Simula raw nang maging ambassador siya ng National Youth Commission (NYC), naging comfortable na siyang laging kasama ang youth. Kaya nga ang dream niya, makaipon ng pera at makapagtayo ng sariling foundation para mas marami siyang mapasaya at matulungang mga kabataan, maging role model sa kanila.
Isang Armani belt ang birthday gift sa kanya ng ka-love team na si Barbie Forteza na kanilang primetime drama na Annakarenina.