Expert sa Chinese Yo-yo tinanghal na Talentadong Pinoy

Nasirang lahat ang sinabi ng mga judge sa grand finals ng Talentadong Pinoy Worldwide Battle Royale last Sunday sa Cuneta Astrodome sa Pasay City sa naunang six grand finalists na sina Laserman, Sor Apao, Rina Forbes, Nocturnal Dance Company, Haina Uddin, matapos mag-perform si Spyro Marco. Hosted by Ryan Agoncillo, after every performance ng bawat isa, nagbigay ng comments ang judges, sina Megastar Sharon Cuneta, Teleserye Queen Judy Ann Santos, Joey de Leon, Edu Manzano, Derek Ramsay, John Lapus, and Direk Joey Reyes. 

Iisipin natin na may winner na pero iba pala after nag-perform ang last finalist, si Spyro Marco. Ang ingay ng astrodome at after niyang ipakita ang husay niya sa Chinese Yo-yo, sama-samang nag-standing ovation ang mga judge. Hindi na kailangang hintayin ang 50 percent score ng mga hurado at 50 percent text votes, alam na ng viewers na si Spyro Marco ang panalo, lalo pa nang siya ang ini-announce ni Ryan na winner sa Texter’s Choice na tumanggap din siya ng P20,000 cash prize. So, grand winner talaga si Spyro Marco, dahil as the Ultimate Talentado he got one million cash prize and a house and lot from RGD Royale Homes.

Pero hindi rin puwedeng makalimutan ang first and last time na sumayaw si Ryan sa show, as he promised the production staff and the televiewers, kasama ang dance group na The Maneuvers.  Kidding aside, parang ang dance instructor ni Ryan ay ang anak nila ni Juday na si Yohan, na sa last part ng dance number ay nag-appear kasama ni Daddy Ryan!

Special guest performer ang itinuring na dance goddess ng TV5, si Congresswoman Lucy Torres-Gomez na naka-four-dress changes. Bago ini-announce ni Ryan kung sino ang Ultimate Talentado, tinawag muna niya ang Superstar na si Nora Aunor na nagbigay ng message para sa mga grand finalist. Conspicuously absent si Aga Muhlach na sa press release ay isa dapat sa mga judge.

So, final goodbye na ng Talentadong Pinoy, ang five years na original reality talent show ng TV5 last Sunday, Aug. 18. Dahil ini-announce na rin ni Ryan ang first musical show na gagawin ni Sharon Cuneta sa TV5 (long overdue na) na pagsasamahan nila ni Ogie Alcasid, ang The Mega and The Songwriter, na magsisimula na sa Sunday, Sept. 15, 9:00 p.m. Mas mauuna pa ito sa tawa-serye ni Sharon na Madam Chairman na sa October pa mapapanood daily.

Helen hindi pinilit pagtrabahuhin ng GMA

Natanong namin ang manager ni Ms. Helen Gamboa, si Shirley Kuan, kung bakit hindi natuloy ang mahusay na veteran actress matapos pumirma ng exclusive contract sa GMA Network, sa primetime drama na Akin Pa Rin ang Bukas.

“For health reasons” ang sinabi ng manager dahil wala pang advise ang doctor ni Helen para magtrabaho. Nagpasalamat din si Shirley sa GMA dahil hinintay pa sana nila si Helen pero sila na rin ang nagsa­bing palitan na ang actress.

 

Show comments