BB tinalbugan na ni Tom

MANILA, Philippines - Sa showbiz, unpredictable ang suwerte ng isang nag-aartista. Sino ba ang mag-aakalang isang taga-Catbalogan, Samar (pero nag-aral sa Amerika) na si Tom Rodriguez ang magiging idol ng mga sioki ngayon?

Tinatangkilik ang teleserye niyang My Husband’s Lover sa GMA 7 ng mga berde ang dugo. Pati maging sa Kongreso raw ay all out ang kuwentuhan sa tambalan nina Dennis Trillo at Tom. Marami rin kasing nagtatago sa dilim sa paligid ng mga opisina roon.

May nagkomento pa nga, nailaglag na ni Tom si BB Gandanghari na talagang nagpa-girl pa nang magpakilalang muli sa showbiz.

Ang tanong, kung matuldukan na kaya ang tele­serye, makasanayan na rin kaya nina Dennis at Tom ang maging malambot? Naku, huwag naman sana! Baka bumuka ang lupa!

MMFF hindi nakumpleto dahil sa kanya-kanyang drama ng mga artista

Hindi kumpleto ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kung totoong hindi na makakasali si Sen. Bong Revilla, Jr. o si Mother Lily Monteverde. Ang dalawang producers ang kinokonsiderang nagpasimula ng MMFF at nagbigay ingay tuwing may darating na film festival.

Kung bakit naman kasi ’yung mga artistang nakukuha nila para lumabas ay may kanya-kanyang drama sa buhay? Hindi raw mag-meet ang mga sche­dule dahil may iba pang commitments. 

Manay Letty, get well soon!

Get well soon para isa sa mga pinaka-palabirong lady writer ng showbiz na si Manay Letty Celi. Naospital siya at hindi pinabayaan ng mga kaibigan lalo na sa kinabibilangan niyang Philippine Movie Press Club (PMPC). Dati rin siyang naging presidente na ng PMPC.

Hindi rin nagpahuli sa pagtulong si Tates Gana, ang Darling of the Press at love ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Matulungin si Manay. Ipinamimigay niya ang mga tirang pagkain sa mga pulubing nakakasalubong pauwi sa tinitirahang bahay sa Sta. Rosa, Laguna. Pagaling ka agad Manay dahil marami ka pang tutulungan at gusto naming patawanin mo pa kami.

                                             

 

 

 

 

 

Show comments