Unang anibersayo ng kamatayan ni Sec. Robredo aalalahanin ng MMK

MANILA, Philippines - Gugunitain ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Agosto 17) ang unang anibersaryo ng pagpanaw ng dating Interior and Local Government secretary na si Jesse Robredo.

Pumanaw ang dating kalihim noong Agosto 18 2012 matapos mag-crash ang private plane na patu­ngong ng isla ng Masbate. Gaganap bilang Robredo ang award-winning actor na si Jericho Rosales, sa­mantalang bibigyang buhay naman ng Kapamilya actress na si Kaye Abad si Camarines Sur Rep. Leni Robredo. Ang MMK episode na idinireke ni Raz de la Torre ay itatampok ang simpleng buhay ni Rob­redo bilang isang mapagmahal na asawa, mabuting ama, at mahusay na public servant.

Bahagi rin ng Jesse Robredo Story sa MMK sina Yogo Singh, Spanky Manikan, Cara Eriguel, Christian Tan, Alyanna Angeles, Nikki Bagaporo, Trina Legaspi, at Richard Quan. Ang episode ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin at sinulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos.

Huwag palampasin ang inspiring life story ni Sec. Robredo sa MMK ngayong Sabado, pagkatapos ng Wansapanataym, sa ABS-CBN.

 

Show comments