Si Chito Miranda mismo ang nagpunta sa Anti-Cybercrime office ng National Bureau of Investigation para hingin ang tulong ng ahensiya na makatipon ng ebidensiya at makapagharap ng demanda ang mga nag-upload ng kanyang sex video na kasama ang girlfriend niyang si Neri Naig sa Internet.
Sinasabi raw ni Chito na hindi niya tatantanan ang may kagagawan sa pagkakalat ng video.
Dapat isunod na rin nila ang nagtitinda ng sex video nila sa DVD format, ang dami na.
Pero kung iisipin mong mabuti, ang talagang may kasalanan naman ay sila na rin eh. Bakit kasi gumagawa sila ng ganung mahahalay na video?
Dahil walang kabisyo-bisyo, Boots Anson-Roa mas maganda pa kesa sa mga mas bata sa kanya
Naging guest si Boots Anson-Roa sa The Ryzza Mae Show. Inamin ni Boots na 68 years old na siya ngayon pero tingnan ninyo mukhang batang-bata pa rin at nakakasayaw pa. Tingnan ninyo ang iba na mas batang hindi hamak pero mukhang matanda na kasi addict, lasengga, at kung anu-anong bisyo ang ginagawa.
Talagang nakakatanda at nakakapangit ang mga bisyo.
Fans sa Canada excited sa Ekstra
Naibalita sa amin ng isang kaibigan naming nasa Canada ngayon na nakalagay na raw sa Scotiabank Theater ang magiging world premiere ng pelikulang Ekstra: The Bit Player ni Ate Vi na gaganapin pala sa Sept. 10 sa ganap na alas-siyete ng gabi sa Scotiabank 8. Ang pelikulang Ekstra ay kinuha nga kasi ng Toronto International Film Festival at ipi-present nila ang world premiere kaya nga mahigpit ang bilin nila na may regulasÂyon silang maaari lamang iyon kung ang pelikula ay hindi pa nailalabas sa ibang mga bansa maliban sa country of origin.
Iyon ang dahilan kung bakit iniiwasan ng mga producer ng pelikula na sabihin kung ano pang festivals ang kanilang pupuntahan at kung sino ang mga foÂreign film distributor na inÂteÂresado nang maipaÂlabas ang Ekstra sa commercial theaters sa kanilang bansa. Ibig sabihin ang Ekstra ay magkakaroon ng commercial theater run sa abroad.
Ang Ekstra ay magkaÂkaroon din ng public exhibition sa Toronto at inaasahan nila na pagkatapos ng filmfest ay magkakaroon nga ng commercial theater run dahil simula raw nang ilagay ang schedule noon sa Scotiabank Theater, ang daming mga Pilipino at maging Canadian man na nagsabing gusto nilang mapanood ang pelikula on a regular run.
At para nga raw hindi masabing kagaya ng iba na inilabas lamang sa maliliit na preview room, ipiÂnadala pa sa amin ng kaibigan namin ang picture ng sinehan kung saan ilalabas ang pelikula ni Ate Vi at ang napakagandang lobby ng sinehan.
At maniniwala ba kayo, sinasabing may mga fans na rin daw si Ate Vi mula sa Toronto at sa Missasaugua na nagbabalak sumugod sa Toronto at magkabit ng kanilang banner? Ang tindi ano? Thanks RBJ for the pics and the info.