Rep. Lani ’di na tinatalaban ng selos kay Bong

Naitanong kay Cong. Lani Mercado kung nagseselos pa siya sa asawang si Sen. Bong Revilla, Jr.

Ayon sa misis, hindi na siya gaanong naaapektuhan ng pagiging babaero ng asawa dahil lolo na ito at tatlo na ang apo nila.

Masuwerte ang mag-asawa dahil puro mahilig mag-aral ang mga anak.

Si Inah kahit may asawa na ay kumukuha ngayon ng law. May sariling negosyo ang panganay na si Bryan. Si Gianna ay kumukuha ng management course, at gustong maging doctor naman ni Loudette.

Vilma naunahan ng takot nang mag-indie

Inamin ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films na matagal niyang niligawan si Gov. Vilma Santos bago ito napasagot na lumabas sa indie film na Ekstra: The Bit Player. Kailangan pang i-revise muna ang script.

“Takot akong tanggapin ang role dahil una kong tanong ay kung mukha ba akong ekstra? Kailangang huwag silang ma-starstruck sa akin kapag nagsu-shooting na, maging kamukha ko rin silang mga ekstra na deglamorized na. Walang makeup at maluwang ang T-shirt. Takot din akong maipalabas na ang pelikula. Nag-invest ang producer ng time, ng pera para mabuo ang movie. Marami akong fears sa paglabas ko sa indie film na first time kong ginawa,” kuwento ng bida sa kanyang movie presscon.

Pero mabuti naman ang naging resulta dahil bukod sa nanalong best actress ang Star For All Seasons ay dinumog pa rin ng mga tao ang screenings nito sa mga venue ng Cinemalaya Independent Film Festival.

Ang Ekstra ay bahagi ng 20th anniversary ng Star Cinema na mapapanood na ng regular sa Aug. 14.

 

Show comments