Marian at Piolo produ kahit ekstra lang kay Vilma

Love na love ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang first indie film na Ekstra: The Bit Player na kapag ipinalabas ito sa iba’t ibang international competitions, willing pala siyang humanap ng oras para maka-attend kahit napaka-hectic ng kanyang schedule sa Batangas. 

Matapos manalo ng kanyang first best actress award in an indie film, parang bago lahat ito sa kanya at feeling producer na rin siya. Pero nilinaw ng Star for All Seasons sa presscon na hindi siya producer kahit nalagay ang name niya sa credits as producer. Pero inamin ng lawyer producer ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonso na hindi nagpabayad ng talent fee niya si Gov. Vi at siya pa ang nagbigay ng token gifts sa mga artistang nag-extra dahil hindi rin sila nagpabayad ng talent fee. 

Tulad nina Marian Rivera at Piolo Pascual, ang makasama raw lamang sa isang project si Gov. Vi ay isa nang honor sa kanila at hindi sa talent fee na ibibigay sa kanila.

Ang Ekstra ay kabilang sa Director’s Showcase category ng Cinemalaya Independent Film Festival at nanalo rin ng iba pang awards pati na ang best supporting actress for Ruby Ruiz. Sa Wednesday, Aug. 14, mapapanood ang movie na dinirek ni Jeffrey Jeturian in cinemas nationwide as part ng 20th anniversary ng Star Cinema.

Agot pumayag maglakad sa putikan

No problem kay Agot Isidro kung mapapanood siya muli sa GMA simula mamaya at sa loob ng 10 Sundays at 7:15 p.m., sa GMA News TV, sa original series na Titser. Nasa GMA pa siya nang i-offer sa kanya ang role ng teacher nina Lovi Poe at Mara Lopez noong high school pa sila. At nang kunin siya ng ABS-CBN sa Muling Buksan ang Puso ay ipinagpaalam na niya ito.

“I believe in the project nang mabasa ko ang script. Alam ko it will showcase my talent at hindi ito teleserye acting. Malaki rin ang tiwala ko kay Direk Alvin Yapan na ilang beses na rin akong naidirek. Hindi rin ako nagreklamo na pinatikim kami ng role ng mga teacher sa malayong lugar na walang luxuries. 

“Isang classroom ang ginagamit naming waiting area. At kahit dito lamang kami sa Boso-Boso sa Antipolo, Rizal nagti-taping, naranasan naming ulanin at maglakad sa maputik na daan. Dito, ipapakita ng writer na si Nessa Valdellon na ang pagigig teacher is not an easy job but an admirable profession. Sana sa pamamagitan nito ay mabuksan ang isip ng mga tao lalo na ang mga nasa gobyerno at bigyan nila ng pansin ang plight ng mga teachers,” pahayag ni Agot.

Show comments