Excited na si Charice dahil sasabak ito sa drama via Magpakailanman ngayong Sabado.
Ayon sa Pinay international singer, pumayag siyang maisadula ang tunay na buhay para makapagbigay ng magandang mensahe sa manonood. Makatotohanan ang pagpo-portray ni Charice sa kanyang karakter kahit hindi siya aktres kaya natuwa si Direk Maryo J. delos Reyes.
Kuya Daniel tumanggap ng parangal mula sa MWWF
Noong Lunes ay personal na nagsadya sa UNTV ang inyong lingkod na pangulo ng Movie Writers Welfare Foundation (MWWF), kasama ang bise presidente na si Ed de Leon para parangalan si Kuya Daniel Razon hindi lang sa kanyang naitulong sa samahan kundi gayundin sa kanyang advocacy na news at search and rescue para sa kapakanan ng publiko.
Ipinagkakaloob namin ang Gawad ng Pagkilala dahil sa magagandang adbokasya niya like ’yung libreng sakay, libreng edukasyon, ’yung clinic, at ’yung tulong muna bago balita o bago pasada.
Sinabi naman ni Ed, na kolumnista rin ng pahayagang ito, “Well researched ang parangal dahil sa ginagawa naming public service award. Talagang trineysd (trace) naming ’yung buong broadcasÂting kaya alam naming maski ’yung mobile radio studio ay masasabi nating first ever. Ang kaibahan ng UNTV ay ang kanilang panaÂnampalataya sa Diyos.’’
Nagpapasalamat naman si Kuya Daniel sa MWWF sa naturang pagkilala bilang kauna-unahang nagsagawa ng Tulong Muna Bago Balita.
‘‘Umaasa kami na sa pamamagitan ng mga ganitong bagay ay mas maraming makakaalam na we are already doing this, na ito ay binibigyan ng pansin na sinisikap naming maipagpatuloy,’’ sabi ni Kuya Daniel.
Bukod sa Tulong Muna Bago Balita ay umaarangkada na rin ang Tulong Muna Bago Pasada kasama ang rescue-trained taxi drivers and operators bilang karagdagang puwersa sa pagsagip ng buhay na mga naaaksidente sa lansangan.
Hinikayat naman ni Kuya Daniel ang lahat ng radio at TV networks na magkaisa sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.