Tapos na ang 9th Cinemalaya Independent Film Festival at dumilim na uli ang entrada ng Cultural Center of the Philippines pero pinag-uusapan pa rin ang mga pelikulang naging entry na kakaiba. Ang mga naging paborito ng madla ay inaasam na maipalabas din sa mga malalaking sinehan sa buong bansa katulad ng popular na Ekstra: The Bitplayer.
Hindi man mangyari, meron pa namang susunod na Cinemalaya at mapapanatili pa rin ang excitement sa indie films. Pero meron ding mga pasahero ng FX minsan na nakapag-comment, mas gusto pa raw nilang mapanood ang indie film na walang malalaking artista tulad nung mga naunang pelikula sa Cinemalaya.
May artista o wala, ang importante ay ang magandang istorya at paglalarawan ng tunay na buhay na hindi kadalasang nakikita sa mainstream films dahil itinatago ito.
Katulad na lang ng buhay ng mga baklang nag-aayos babae o ang iba ay operada na talaga — tinatawag silang transvestite o transsexual o tranny for short — na napanood sa Quick Change. Sinong mainstream producer ang magkakainteres na ipakita ang kanilang mundo sa mas malawak na market?
Sa Quick Change ay ipinakita na hindi lang nabubuhay ang mga tranny sa kahalayan. Nagtatrabaho rin sila ng marangal tulad ng cultural dancers. Malaking bahagi ng buhay nila ang pagsali sa gay beauty pageants para maipagmalaki ang sarili at ang pagpaparetoke para mas magmukha pang babae.
Sa isinulat at idinirek ni Eduardo Roy, Jr., ipinakita niya sa pelikula na ang bidang si Dorina (Mimi Juareza) ay mabait at maalagang “tiya†sa pamangking si Hiro (Miggs Cuaderno), mapagmahal at matiising “live-in girlfriend†ni Uno (Junjun Quintana), at madasaling Katoliko.
Dito sa Quick Change nailahad ang soft side ng mga bakla. Ang iba sa kanila ay mas mahinhin at maganda pa sa tunay na babae. Mamahalin n’yo ang karakter ng tulad ni Dorina na maayos manamit at kahawig pa nina Tweety de Leon at Sen. Loren Legarda. Dapat lang na siya nga ang best actor sa New Breed category.
Nakakaaliw ding malaman na dahil sa pagka-baliw nila sa pagpapaturok ng collagen ay nagiging kamukha nga nila ang ibang artista. May mga tranny na older version nina Carmi Martin at Maureen Larrazabal. Si Francine Garcia na Kim Chiu lookalike ng Eat Bulaga ay kahawig din ni Ynez Veneracion.
Maliban sa child star na si Miggs ay wala nang ibang pamilyar na mainstream actor sa Quick Change pero tinanggap ang gay film ng mga tao. Nagtawanan at nagpalakpakan pa ang mga nakapanood. Ang uri ng ganitong pelikula na bakla ang bida, lalo na kung may hubaran at love scenes, ay malabong maipaabot sa majority. Kaya malaki ang pasasalamat ng mga indie film sa Cinemalaya.
Kris nag-invest na rin sa indie
Naki-join na rin pala si Kris Aquino sa pagpo-produce ng indie film. Bumulaga sa opening credits pa lang ng Instant Mommy ang pangalang Kris Aquino Production at sa closing credits ay nakalagay din ang kanyang pangalan bilang isa sa mga producer, kahilera nina Atty. Josabeth “Joji†Alonso, Chris Martinez, John Victor Tence, at Leo Abaya sa kanyang unang pagsubok bilang scriptwriter at director.
Bentang-benta pa rin sa young viewers ang style ng comedy ni Eugene Domingo bilang si Bechayda, ang wardrobe assistant sa TV commercial production na naghahanda nang bumuo ng pamilya sa piling ng Japanese online papa na si Kaeru San (Yuki Matsuzaki). Nabuntis si Bechayda, nakunan, at nagpanggap na buntis pa rin sa ngalan ng pag-ibig at konting ginhawa sa buhay.
Ang magandang leksiyon ng Instant Mommy ay naitama rin ni Bechayda ang kanyang pagkakamali sa huli. Natauhan kasi siya na ang Hapon niyang dyowa ay hindi pa pala totoong kalas sa Haponesang misis na career-oriented at ayaw magkaanak. Kaya hindi totoong may divorce na mangyayari at lalabas lang na kerida at baby maker si Bechayda kung sakali.
Ang Instant Mommy ay napaunlakan ng celebrity guests kumpara sa Quick Change. Kasama ni Uge sina Luis Alandy, Rico J. Puno, Shamaine Buencamino, Tuesday Vargas, Madeleine Nicolas, Suzette Ranillo, at Angel Aquino.
Kagagawan naman nina Chris Martinez at Jeffrey Jeturian ang tema ng Instant Mommy. Sila kasi ang bumuo ng konsepto ng pelikula.
Ang tulad naman ng Instant Mommy ang puwedeng ibenta sa mga sinehan. Maaari kasing takpan na lang ang ipinakitang kanang suso ni Bechayda kung gugustuhing maging Parental Guidance ang rating. Ginawa lang naman iyon ng bida sa pagmamalaki na lumalaki na ang kanyang dibdib gawa ng pagbubuntis. Nakakatawa ang dating kasi hindi naman siya nang-aakit sa eksena.
Sa dami ng magagandang entry sa nakaraang Cinemalaya ay medyo bitin pa ang mga nakapanood na may napalagpas na pelikula. Hanggang sa susunod uli!
***
May ipare-rebyu? E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com