MANILA, Philippines - Ang pinakamalaking pagtitipon ng mga pinakamahuhusay na cosplayer sa buong mundo ay kagaganap lang nung Agosto 3 at 4 sa World Cosplay Summit sa Nagoya, Japan — at ang numero unong animé channel ng Pilipinas, ang Hero TV, ang nagpadala ng kanilang mga koponang cosplayer na nanalo noong nakaraang Hero Face Off 2013.
Sina John Vincent Estapon na gumanap bilang Haseo ng .hack G.U. Trilogy at Erika Jean Garbin na gumanap bilang Freya ng Zangeri No Reginlein ang tinanghal na grand champions sa Hero Face Off 2013. Nagpakitang-gilas ang mga cosplayer mula sa 20 bansa mula sa limang iba’t ibang kontinente sa World Cosplay Summit. Taunan itong ginaganap sa Nagoya, Japan hatid ng TV Aichi, ang founding company ng summit.
Bukod sa World Cosplay Summit, hatid din ng Hero TV ang mas marami pang kaabang-abang na mga bagong animé tulad ng Aquarion Evol, Gundam Age, at Gundam UC Vol. 3 and 4.
Sa Gundam Age, isang misteryosong kalaban na kilala bilang “unknown enemy†ang nag-launch ng atake sa isang space colony. Dahil dito ay nagkagulo ang mundo pero ngayon na mayroon nang isang batang lalaki, si Flit Asuno na determinadong maibalik ang kapayapaan sa unibersidad, siya ang magpipiloto ng Gundam Age-1 para mailigtas ang mga tao sa mga masasamang invader. Mapapanood ito simula Agosto 19 ng 9:30 p.m., na may replay ng 12:30 a.m., 3:30 a.m., 9:30 a.m., at 3:30 p.m.
Magbabalik din ang ilan sa mga paboritong animé ng bansa ngayong buwan tulad ng Absolutely Lovely Children, Broken Blade, Eyeshield 21 Season 2, Gargoyle of the Yoshinaga Family, Giant Killing, Hanasaku Iroha, Major Season 4, at Gashbell.
Abangan ang mga pinaka-hit na animé shows sa Hero TV (SkyCable Channel 44), ang numero unong animé cable channel sa bansa. Para sa updates at airing schedule, bumisita sa official website nito na www.myheronation.com.