Heart payag na magbilad!

Ready nang magpakaroon ng sexy image si Heart Evangelista dahil sa pagpayag niyang gawin ang bagong pelikula ng Viva Films na Trophy Wife. Makakasama rito ng Kapuso actress sina Derek Ramsay, Cristine Reyes, at John Estrada.

Sabi ni Heart, ready na siya sa bagong daring image niya at tama lang na gawin na niya ito dahil hindi na siya bumabata.

 â€œHello, twenty eight years old na ako. I’m no longer sixteen or eighteen years old para pag-isipan ko pa ang image ko. I made this decision all by myself. I think makakatulong pa sa akin ang ganitong klaseng mga pelikula. I want to experiment and try new things.

 â€œSinabi ko sa mga taga-Viva Films na huwag silang mag-hesitate na ipagawa sa akin ang scenes na sa pakiramdam nila ay kakayanin ko.

 â€œBasta done in good taste and hindi makaka-offend sa akin at sa ibang mga babae, okay ako sa ganyan,” pahayag ni Heart.

Naumpisahan ng aktres ang kanyang pagiging daring nang pumayag siyang magpa-sexy para sa cover ng Esquire magazine.

Hindi raw kailangang magpaalam ni Heart sa kanyang senator boyfriend na si Chiz Escudero dahil hindi ito nakikialam sa mga desisyon niya.

 â€œHe trusts me with my decision. Kahit na gusto ko siyang makialam, ayaw niya. Mas gusto niyang wala siyang involvement sa career ko.

 â€œKaya naman lalo ko siyang na-appreciate dahil he makes me do things on my own. Sinasabi ko na lang sa kanya ang lahat. By doing things on my own, doon daw napu-prove ang maturity ng isang tao. ’Yun naman ang gusto kong gawin talaga,” saad ng aktres.

Para mapatunayan na nag-mature na ng husto si Heart, pumayag nga siyang gumawa ng project with her ex-boyfriend na si Jericho Rosales.

 â€œI see no problem working with Jericho. I’m very happy with my life and if you’re happy with your life it’s okay to work with someone from your past. It shouldn’t mean anything to you.

 â€œI have moved, he has moved on — let’s all move on. If that project happens, well, it’s another thing to be talked about,” tila nagde-dare pa na sabi ni Heart.

Contestant na na-link kay Polo paiba-iba na ng hitsura tuwing sumasali sa beauty pageant

Maraming members ng media ang nagulat sa muling pagsali ng isang kandidata sa isang beauty pageant. Siya ay si Bianca Paz na noon ay na-link na sa aktor na si Polo Ravales. Isa siya sa mga official candidate ng Miss World Philippines 2013 na prinesenta sa media last week.

Say ng ibang mga nakakakilala kay Bianca, tila wala raw sawa itong sumali sa mga beauty pageant. Mukhang hindi ito titigil hanggang hindi siya nananalo ng titulo.

Kung matatandaan ay unang sumali si Bianca sa Bb. Pilipinas noong 2010. Pero bigla itong na-disqualify dahil lumabas ang kanyang mga litrato na ginawa niya for FHM magazine. Kapag lumabas na kasi ang isang candidate sa naturang men’s magazine ay automatic itong tatanggalin.

Sumunod naman ay sa Miss World Philippines 2011. Pero third princess lang siya at ang nagwagi ay si Gwendoline Ruais na naging first runner-up pa sa Miss World.

Ngayon ay join ulit ang Bianca Paz at pakiramdam ng marami na maliit ang chance nito na mag-win dahil maraming mas standout sa kanya, kabilang na si Megan Young na kauna-unahang celebrity na sumali sa Miss World Philippines.

Marami rin ang nakapansin na may naiba na naman sa mukha ni Bianca. Kung ikukumpara ang past photos niya, ibang-iba siya ngayon.

Anyway, kung may award para sa pag-try ng paulit-ulit sa beauty pageant, definitely ay si Bianca Paz na ang mananalo nito.

Lindsay kinasusuklaman na ang alak, ipinatatapon lahat ng makitang bote

Mukhang malaki na ang pagbabago sa controversial Hollywood actress na si Lindsay Lohan pagkatapos nitong makalabas ng rehab.

Ayaw na nitong makakita ng anumang hitsura ng alak. Maging sa bahay ay pinagtatapon lahat ng alcoholic drinks para lang masigurado ang kanyang tuluyang paggaling.

Noong mag-check in ito sa Beverly Hills Hotel para sa kanyang pag-guest sa show ni Chelsea Handler, pinatanggal niya sa hotel staff ang lahat ng alcoholic beverages sa mini-bar bago siya dumating.

Pagdating niya sa studio, nag-request siya na non-alcoholic drinks ang ibigay sa kanya.

Kapag nagta-travel daw si Lindsay ay may kasama siyang sober coach para kung sakaling ma-tempt itong uminom ng alak, may pipigil sa kanya.

  

Show comments