Sen. Loren nakakadalawang instructional video na

Inilunsad kamakailan sa pamamagitan ng isang special screening sa Podium Cinema 2 sa Ortigas, Pasig City ang Ligtas, isang instructional video bilang paghahanda sa darating na mga kalamidad sa bansa, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Ayon sa Senadora Loren Legarda, naglalayon ang Ligtas na magbigay ng mga paraan at impormasyon sa pag-iingat ng pamilya laban sa bagyo, baha, landslide, volcanic eruption, earthquake, at tsunami.

Ikalawang dokumentaryo na ito, una ang Buhos tungkol sa climate change at ang epekto nito sa buhay ng tao.

Sa Q and A portion ay naitanong namin ang tungkol sa basura at kailangan din talaga ang pakikipagtulungan sa mga barangay official. Naikuwento ko na sa aming­ lugar ay tamad ang barangay chairman at mga opisyales nito dahil wala silang ginagawang paraan para maiwasan ang baha sa aming lugar. Palibot kasi kami ng factory at itinatapon ang mga basura sa kanal na nagiging sanhi ng pagbara ng mga imburnal. Ang mga iniwanang hukay ng water line ay hindi nilinis kaya ang mga buhangin ay napupunta rin sa kanal.

Kaya sabi nga ni Sen. Loren, ang susunod na isusulong nito ay tungkol sa basura na nagiging sanhi ng matinding pagbaha na ngayon.

Randy madalas magpalit ng damit

Saludo ang mga artista ng Raketeros kay Randy Santiago na nagdirek na sa telebisyon ng Aalog-Alog.

Ayon kay Mayor Herbert Bautista, ’yung simpleng idea sa Raketeros ay pinalaki ni Direk Randy kaya naging katawa-tawa ang mga sitwasyon. Matagal nang kilala ni Dennis Padilla si Randy, noong pang Hawi Boys days, at marami siyang natutunan dito — 80% ng kabutihan at 20% ng kalokohan daw — bilang magkaibigan. Isa siyang tunay na kaibigan at professional na direktor para kay Dennis.

Ayon naman kay Andrew E., nakatikim siya ng comedy skills kay Randy. Wide itong mag-isip lalo na sa katatawanan at fashionista pa sa kanilang lahat dahil madalas daw magpalit ng damit.

 

Show comments